Chapter 15

44 0 0
                                    

“Aalis ka?”

Paglabas ko sa kuwarto ay nakasalubong ko si Cosmo na may hawak na malaking TV. Dadalhin niya yata iyon sa guest room dahil doon ang punta niya.

“Hm,” sagot ko.

Binaba niya ang hawak niyang TV saka niya sinukbit sa balikat niya ang cord na sa tingin ko ay ang cable or antena.

“Sabado ngayon, saan ka pupunta?”

“Kinumbida ako ni Chelsea para sa birthday party niya.” Pinakita ko sa kaniya ang invitation card na binigay sa akin ni Duncan.

“O, hintayin mo ako at sasama ako sa iyo. Maliligo lang ako.”

Bago pa siya makaalis sa kinatatayuan niya ay pinigilan ko na siya. “Ako ang may invitation card, ako ang pupunta. Saka, saglit lang ako roon. You can set a limit for me. Kung isang oras ay wala pa ako, you can go. How’s that?” Ngumiti pa ako sa kaniya para mas makumbinsi ko siya sa suhestiyon ko.

“Okay, sige. Actually, aayusin ko pa itong TV ko, nawalan ng tao. Black screen."

“Alis na ako, baka gabihin ako.” sabi ko sa kaniya bago ako maglakad paalis.

Palihim akong sumibat ng bahay sakay ng kotse ko. Ako ang nagmaneho. Mabuti at naturuan ako nang maayos ni John.

Malayo ang bahay niya sa amin. Dumayo pa ako ng ilang barangay bago ko marating ang lugar niya. Twenty mintues din ang biniyahe ko.

Pinarada ko ang kotse ko sa malayo. Apat na bahay ang layo niyon mula kina Chelsea para hindi gaanong mapaghalataan na nasa bahay niya ang may-ari niyon.

Hindi pa ako nakakapasok sa mismong bahay niya pero naririnig ko na ang ingay ng malalakas nilang patugtog sa loob kaya napalingon ako sa mga kapitbahay nila. Aren’t they mad for this kind of disturbance?

Dahan-dahan akong naglakad papasok. Hindi nila ako gaanong napapansin dahil ang ilaw na pumapaikot sa kabuuan ng bahay niya ay nakakasilaw at mahihirapan kang makilala ang matatamaan noon.

Hindi ko kayang ilarawan ang hitsura ng bahay niya. Sisimplehan ko na lang, napaka-elegante dahil napapalibutan ito ng gintong disenyo.

I saw her on a stage. Chelsea is wearing her stunning ballgown with a glitters of gold and a black lace ribbon on her small waist. No more describing.

Marami sa mga kaklase namin ang talagang dumalo sa kaarawan niya suot ang kanilang naggagandahang mga gown. Napansin ko tuloy na parang ako lang ang nag-iisang hindi nakasuot ng gown or dress. Well, then I’m unique.

“Invited ka?”

Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang nag-ayos ng sarili niya. Madalas na magkasama kami pero hindi ko siya nakikitang nagsuklay man lang ng buhok niya.

“Edzell…” Tinapik ko rin ang balikat niya. “Hindi ko nga alam kung bakit ako naimbitahan bigla, pero pakikisama na rin sa kaniya ang pagdating ko.”

“Sayang effort niya,” bulong niya. Lumapit siya sa akin pero nakatingin siya sa mga dumalo na nagsasayawan sa malawak na foyer. “Akala ko ay hindi ikaw ang nakita ko. Bakit ka naka-itim? Hindi naman patay ang dinaluhan natin.”

Natawa ako sa sinabi niya saka ko pinasok sa bulsa ang palad ko. Hawak ko ang regalo para kay Chelsea sa kabila kong kamay. “Aalis din ako agad, nangako akong hindi ako magtatagal. Hanggang eight lang ako rito,” usal ko.

Napatango siya sa sinabi ko saka niya pinagpag ang suot na tux. “Ikaw pala ngayon si Cinderella,” aniya bago nilahad sa akin ang palad niya. “Sayaw tayo,” dagdag niya pa.

HOME VISITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon