Chapter 8

49 1 0
                                    

“Sorry, I’m late.”

Hindi ko alam kung anong engkanto ang sumapi sa akin pero kusang nahulog ang hawak kong lapis nang marinig ko ang di-pamilyar na tinig na iyon. Malamig at hindi makikitaan ng emosyon ang boses niya.

Napalingon ako sa pinto kung saan siya nakatayo at naghihintay ng permiso ni Sir para makapasok sa kuwarto.

“Okay lang. Sa susunod, be on time.” Sagot ni Sir Perez nang hindi man lang nililingon ang estudyanteng ngayon ko lang nakita.

As in, ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko alam kung kailan ko siya naging kaklase. Gano’n na ba karami ang absents ko?

Sinara ko ang nakaawang kong bibig nang bigla ay magsalubong ang tingin namin ni Sir. Baka ipahiya niya pa ako sa klase. Well, lagi naman akong napapahiya. No wonder why Andres Domingo is very famous.

Habang naglalakad ang lalaking ito papunta sa puwesto niya ay pinagmamasdan ko siya. Sa kaniya lang nakatutok ang mga mata ko hanggang sa makaupo na siya.

Nakita ko ang mga mata niya. Diretso lang ang tingin at walang makikitang emosyon. Para bang isa siyang hari na may problemang inaayos.

“Hoy?”

Napalunok ako nang sumulpot sa harapan ko si Sir Perez na hawak pa rin ang libro niya ng physics.

“Ay, Sir?”

“Tapos ka na ba diyan sa activity mo? Para kang nabato diyan.”

Umiling ako bilang sagot saka ako napakamot sa batok ko. Umalis naman siya agad kaya nakita ko uli ang lalaking iyon. Sobrang tahimik at misteryoso. Kung saan talaga mapadako ang mga mata niya ay doon lang siya titingin. Who is he? Baka kapatid siya ni Chelsea dahil parehas silang transferee.

Oh, baka naman isa siyang introvert kaya ganiyan ang asta niya. Siguro nerd siya dati at laging nabubully kaya lumipat ng school at nagpalit ng ayos. Kung makikita kasi ang pormahan niya ay masasabi mo na agad na isa siyang edukado at matalinong tao. Bibihira ang ganiyang ugali.

“Isa rin siyang transferee,” bulong sa akin ni Edzell. Napansin niya siguro ang tingin ko sa lalaking iyon. “Suplado naman,” dagdag pa niya.

Napangisi naman ako at muling humawak ng lapis para ipagpatuloy ang pagguhit ko. Napakasuwerte ko dahil ang puwesto ko ay katabi ng bintana. Presko.

Suplado pala.

Interesado ako sa kaniya.

Ilang oras lang din ang lumipas bago matapos ang mga klase at break time na.

Break time na pero nakatingin pa rin ako sa transferee na iyon. Mula kanina ay hindi ko man lang narinig na may nagbanggit ng pangalan niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya kung sakali man na maka-engkuwentro ko siya.

Magkakasama pa rin kami hanggang sa makapasok kami sa canteen at nag-order naman sila agad ng gusto nilang kainin.

Nakapagtataka.

Nakita ko na naman ang transferee namin at mag-isa lang siya sa table na kumakain ng baked bread. Diretso lang ang tingin, tuwid ang pagkakaupo at maganda ang postura ng katawan.

Alam kong alam niyang sa kaniya nakatingin ang mga babaeng malapit sa kaniya. Alam ko rin na alam niyang naririnig niya ang hagikgikan ng mga iyon pero balewala lang sa kaniya.

“Hmm, siya na naman ang tinitignan mo? Wala kang mapapala sa kaniya, Andres. He’s an introvert.”

Napatingin ako kay Edzell. “Alam niyo ba ang pangalan niya?” Tanong ko.

“At kailan ka pa nagkaroon ng interes sa lalaki?” Pabalik na tanong sa akin ni Edzell.

Hindi ako nakasagot sa tinuran ni Edzell nang mahagip ng tingin ko sina Chelsea Duncan. Kasama niya ang ilan sa mga kaklase namin na may kinakausap na lalaki sa kabilang table.

HOME VISITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon