Kumatok ako sa pinto bago ako pumasok. Agad ko siyang nakita na nakaupo sa table niya. Hindi man lang siya lumingon sa kung sino ang pumasok sa faculty.
Nilapitan ko si Sir Perez na kasalukuyang may sinusulat sa folder niya. "Sir?"
"Yes," sagot niya na nananatiling nakatingin sa sinusulat niya.
"Gusto ko po sanang mag-sorry," I said on a low voice.
Sinuot niya ang salamin niya sa mata at nagpatuloy pa rin sa pagsusulat. "For what, Miss Domingo?"
"Sa sinabi po ni Edzell kahapon,"
Sa wakas ay nilingon na niya ako. Binaba niya ang suot niyang salamin. "Bakit ikaw ang nagsasabi niyan? Don't be sorry for what other's have done. It's not your fault."
Napatango ako, "sorry po talaga, Sir."
He didn't say a word. He just continue writing on his paper scattered on his table. "May sasabihin ka pa ba, Miss Domingo?"
Napailing agad ako, "wala na po." Tumango siya kaya umalis na lang ako. Marahan kong sinara ang pinto ng faculty.
Hindi pa ako nakakalayo nang tawagin ako ni Sir Aaron, "nasaan si Sir Perez?" Tanong niya sa akin.
Tinuro ko naman ang faculty, "sa faculty po."
Pupunta sana siya pero bumukas ang pinto at lumabas mula roon ang hinahanap niya, si Sir Perez. May dala siyang mga folder.
"Sir, tapos ko nang ma-survey ang klase ko." Anang Sir Aaron. Inabot niya ang mga documents na hawak niya.
Kinuha iyon ni Sir tapos binigay sa akin. "Pakilagay mo ito sa drawer ko, Miss Domingo." Utos niya sa akin.
Hindi na ako nakatanggi dahil mabilis silang dalawa na naglakad papunta sa main building. Survey saan naman iyon?
Bumalik ulit ako sa faculty at lumapit sa table ni Sir. Binuksan ko ang nag-iisang drawer ng table niya para doon ko ilagay. As I was about to place the folder, my heart suddenly started to race like a horse.
Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. This is the same exact thing I'm receiving everyday from my secret admirer. The bracelet with my name on it.
Bakit may ganito si Sir?
Binuksan ko nang todo ang drawer niya saka ko kinuha ang bracelet na iyon. Ramdam ko ang tibok ng puso ko ngayon. Itong ito iyon!
Hindi lang isa ang narito sa drawer niya. I'm confused. Tinitigan ko nang mabuti kung pangalan ko ba ang nakalagay at tama nga ako sa nakikita ko.
Tama ba talaga si William?
Mabilis kong binalik ang bracelet maging aang folder ay nilagay ko na roon. Kahit kinakabahan ay dali-dali akong lumabas sa faculty.
I can feel my knees are shivering.
Why?
Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon. This isn't happening. This is just a dream.
Hindi ko na tuloy alam kung paano pa ako nakauwi nang mag-isa. Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko. Ngayon ay naghahalo na ang mga nasa utak ko.
Pero, bago ko isipin ang bagay na iyon. I need to confirm it first. Maybe I'm just hallucinating. Baka nakuha niya lang iyon sa desk ko at naisip niyang itago. Maybe that's it.
"Bakit hindi ka na laging sumasabay pag-uwi kay Cosmo?"
John asked me after I sat on the couch. Kinuha ko ang remote saka ko binuksan ang tv.
"Lagi kang sasabay kay Cosmo. Huwag kang aalis nang hindi siya kasama. Kung kaya ko pa na sumama lagi sa iyo ay gagawin ko."
Napairap ako, "gusto kong mag-isa."
BINABASA MO ANG
HOME VISIT
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.