Hindi pa man ako nakakalapit sa classroom namin ay rinig ko na nga ang ingay sa loob. Ngayon lang nangyari ang ganito.
“Nakakakilig naman!”
Isa iyon sa mga sinasabi nila at tinitili nila. Napapailing ako nang pasukin ko ang kuwarto at makita silang nagkukumpulan di-kalayuan sa upuan ko, o baka sa upuan ko nga mismo?
“Sana pati ako makaranas nang ganiyan.”
“Ang swerte naman ni Andres at may secret admirer siya.”
Huh?! What the heck are they talking about? Secret admirer?
“Uy, andiyan na si Andres.”
Tinignan ko sila nang masama dahil hindi ko gusto ang lapit nila sa lugar ko. Nang medyo lumayo na sila sa desk ko ay mabilis na lumapit ako para malaman kung ano ang pinagkakaguluhan nila roon.
Nakunot ang noo ko bigla. Isang pulang rosas na nakapasok ang tangkay sa isang DIY bracelet. Kinuha ko iyon para makita ko pa nang malapitan habang ang mga kaklase ko ay di na mapigilan ang tilian. Isampal ko sa kanila ito, e.
“Kanino galing ito?” Tanong ko pero walang sumagot. Nagkatinginan pa silang lahat bago nagsi-ilingan.
“Andres, mukhang may tinamaan sa iyo, ah?”
Inirapan ko lang siya bilang sagot. Noon ko lang napansin na wala si Gracie. Wala siya sa upuan niya.
“Anong kaguluhan iyan diyan?”
It's Sir Perez.
Hindi ko inaasahan ang biglang pagkabog ng dibdib ko! Malakas at parang bubutasin na ang katawan ko. Bigla ko na namang naalala yung sinabi niya sa akin.
“May secret admirer po si Andres, Sir.”
Wala talaga akong mapagkakatiwalaan sa mga kaklase ko. Napakatsismosa nila.
Napansin kong mabilis na tumingin sa akin si Sir, sa hawak ko at bumalik din ang tingin niya sa laptop niya.
I don’t know who has a motive to do this. I am not that approachable and I talk often. Who the freak is tripping on me again, huh?
I mark the date.
Yun ang unang beses na may natanggap ako. At simula noon ay araw-araw na akong nakakatanggap ng regalo, maliit na regalo mula sa hindi ko kilala. Araw-araw iyon kaya araw-araw ko ring naririnig ang mga kaklase kong nagtitilian. Hindi ko tinatapon ang lahat ng bulaklak para mailagay ko sa isang flower vase.
Hindi ko pa rin kilala ang taong naglalagay ng bulaklak sa desk ko at gusto kong malaman kung sino iyon.
“Nakatanggap ka na naman niyan?”
Tinanong agad ako ni Cosmo nang makasakay ako sa kotse. “Oo.” Marahan kong hiniga ang bulaklak sa bakanteng upuan na katabi ko. “Kanino kaya galing ito?”
“Huwag mo nang kukunin iyan dahil hindi iyan titigil. Malay mo ba kung sinong may masamang balak iyan sa iyo?”
“Grabe ka naman,” bulong ko.
This is my seventeenth time to receive this. Bracelets and a single rose. Red rose lahat ng bulaklak na natatanggap ko mula sa estrangherong iyon.
Hindi ko magawang pumasok nang maaga dahil hindi ko kayang magising rin nang maaga. Ito pang si Cosmo ay mabagal pa sa babae kung mag-asikaso. Ilang beses ko nang sinubukang pumasok nang maaga pero hindi siya nakikisama. Buwiset siya.
Pumasok na naman ako. And of course, nakatanggap uli ako ng bulaklak kasama ang DIY bracelet na iyon. Siguro, siya ang gumagawa ng bracelet na ito.
Kinuha ko sa desk ang dalawang iyon at nakita ko namang nakaburda roon ang pangalan ko. Siya ang gumagawa ng bracelet na binibigay niya sa akin.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT
Fiksi UmumA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.