Tahimik na naglakad ako papunta sa upuan ko at naglabas ng lapis para muling gumuhit. Ito ang libangan ko kapag feeling ko ay mag-isa lang ako.
Mabilis na lumipas ang mga oras at nag-uwian na rin kami. Hindi ako gaanong nakausap ng mga kaklase ko at sana ay ayos lang iyon sa kanila.
Si John agad ang nakita ko pagkapasok ko sa bahay. “Kamusta naman ang school?” bungad niya sa akin.
Napalunok ako at kinalma ang sarili ko bago ko siya sagutin. “School pa rin, John.” sarkastikong aniko bago ako tumuloy sa loob.
“May problema ba?”
Narinig ko pang kinausap niya ang anak niya nang hindi pa ako gaaning nakalalayo.
“Wala naman.”
"You have your schedule already para makita at makilala niyo na ang isa't isa."
Hindi ako kumain ng gabing iyon. Maaga akong nakatulog kaya paggising ko ay agad na akong nag-asikaso para makapasok na sa paaralan.
Tulala lang ako sa buong biyahe namin ni Cosmo hanggang sa pagbaba namin at paglalakad sa loob ng campus.
Masyado yata akong maaga o late na kami dahil wala na akong nakikitang estudyanteng nakakalat sa quadrangle maging sa mga hallway? Kahit naman na ma-late ako ngayon ay walang nagbago. Lagi akong late.
“Andres,”
Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Chelsea. Alright, si Chelsea. Madadagdagan ba ngayon ang sakit ng katawan ko at ng mga iniisip ko?
“Hm?”
“I just saw you walking so I called you. Congratulations. You won yesterday.”
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa inasta niya sa akin. May bago. Hindi yata away ang gusto niya ngayon.
“It’s my birthday, actually. So, no to war muna tayo.”
“Ikaw lang ang may gusto no’n, Chelsea.”
Umangat ang kilay niya at tumango. “My parents raised a brat.” Naglikot ang mga mata niya at umiwas iyon sa akin. “I am inviting you to come to our house and party with the rest of our classmates. Actually, they already accepted my invitation. Here’s yours.”
Inabot niya sa akin ang isang invitation card na mayroong kulay na gold sa gilid at black naman ang surface ng card. Yung ribbon ay kulay gold din. Hmm.
Tinanggap ko ang binigay niya. “Pag-iisipan ko,”
“I can fetch you at your house if you don’t have a car.”
Napatango ako ng ilang beses sa sinabi niya. “Hindi na kailangan, actually. Alam ko naman kung saan ang bahay mo.”
“You sure?” paninigurado pa niya sa akin na tinaasan ko lang ng kilay.
Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at iniimbitahan pa niya ako sa birthday niya. “Oo,” maikling sagot ko.
“Sige,”
Namalikmata lang yata ako o talagang ngumisi siya bago niya ako iwan? Nagkibit-balikat na lang ako at pumasok na rin sa classroom.
Naabutan ko roon sina Edzell na naglalaro ng baraha. Ipinagbabawal iyon sa school, ah?
“Uy, Andres!”
Nilapitan ko sila. They are really breaking the rules of this school.
“Tongits?”
“Anong tongits?”
They cackled after I asked them what is tongits. I don’t really know what’s that thing, tho.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.