Chapter 7

48 0 0
                                    

“Oh, yeah?”

Ang arte ng boses ng babaeng ito. Siya raw ang transferee na tinutukoy nila. Wala naman akong pakialam sa kaniya pero ang ingay niya lang. Wala pa kaming teacher, siguro nagkaroon ng unexpected meeting.

“Thank you. Actually, my dad bought this in The United States and sabi niya that hindi niya need ang phone na ito. Mura lang naman ito.”

Naramdaman ko ang biglaang pagtabi sa akin nina Andrei, Adrian at Edzell. Sa madaling salita, yung fantastic three. “Ayoko sa kaniya, Andres.” Bulong sa akin ni Adrian.

“Tinanong mo na ba siya kung gusto ka niya?” Tanong ko naman sa kaniya.

“Grabe ka naman,”

“Nung nakaraan, bago-bago pa siya rito, pero habang tumatagal, nag-iiba na ang ugali niya.” Si Andrei iyon.

Tinigil ko ang pagguhit ko sa yellow pad saka ko naman tinignan ang pinag-uusapan nila. Hmm, maganda siya. Matangkad pa sa akin kung susumahin. At sobrang puti. Malalaman mong mayaman talaga siya dahil sa porma niya. Maayos na pananamit, mga alahas sa katawan at pabangong ginagamit.

“Talaga? Ang yaman mo naman. Alam mo, itong selpon ko ay secondhand lang.” Sagot ng isa sa mga kaklase ko.

“So cheap naman. Bakit hindi ka bumili ng brand new? Iphone ang piliin mo. Look at this, Iphone eleven.”

Napailing ako dahil hindi ko gusto ang ugaling pinakikita niya. Masyado siyang mayabang sa bagay na meron siya.

“Pakitaan mo lang ng sapatos iyan, taob sa iyo yan, Andres.” Si Edzell.

“Ewan ko sa iyo. Tignan mo nga itong suot kong sapatos, may butas na sa gilid. Marumi pa.”

Natawa lang sila bago may isang estudyante na pumasok sa kuwarto namin. Ang school president. “Good morning, Seniors. As of now, all of our teachers are having unexpected meeting for the upcoming culminating activity of the school…”

Sabi ko na.

“You may now take this time as your vacant and use as your rest time. Only for an hour and after that, you will be asked to get in here as soon as possible. After all, regular class will continue from first period. Thank you.”

Lumabas na siya ng kuwarto at sinara pa ang pinto pagkasabi niya noon. Agad namang nagsi-hiyawan ang mga kaklase ko.

“Yes! Isang oras tayong walang klase?” Si Edzell.

“Oo. Tambay muna tayo sa canteen.” Sabi ko.

“Aba, sige ba!” Silang tatlo

“Hintayin natin si Cosmo. Nandiyan na pala siya.” Ang bilis niyang makapasok sa kuwarto namin at siya pa ang nagbuhat ng bag ko.

Naging crowded tuloy ang pasilyo dahil sabay na nagsilabasan ang mga estudyante ng lahat ng Senior. At ano pa ba ang dapat asahan kapag ganitong dikit-dikit kami?

Naramdaman kong umakbay sa akin si Cosmo. Napansin niya sigurong naiirita ako. Hindi rin nagtagal ang lapit ng katawan naming dalawa dahil nagkahiwalay ang mga estudyante. Hindi yata nila balak ang kumain.

“Nope. Actually, after this school year, uuwi na ako sa America.”

I heard the transferee’s voice again. I know it’s her voice. Nakakasuya ang english accent niya. Parang akala mo ay isang slut na nang-aakit ng kambing.

“Dito na kayo maupo,” ani Cosmo.

“Anong kakainin niyo? Sabihin niyo na kay Cosmo.” Umupo na ako pagkasabi ko noon.

“Spaghetti sa akin tapos carbonated drinks.” Natawa ako sa sinagot ni Edzell. Carbonated drinks, tama naman.

“Chicken sandwich at strawberry milk.” Si Adrian.

HOME VISITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon