Chapter 37

31 0 0
                                    

Tuwing Linggo ay ugali kong tumambay ng ilang oras sa gallery room. Bukod sa nakikita ko lahat ng mga kamag-anak namin ay parang nakakasama ko rin sila.

Ako ang naglilinis ng gallery room. Ayokong may ibang nakakapasok sa kuwartong ito dahil ayokong maiba ang posisyon ng mga portraits sa wall. May ilang kahon rin na narito at hindi ko pa nabubuksan dahil naging abala ako ng ilang taon.

Ngayon ko lang sila makakalikot.

Inutusan ako ni John bago siya umalis na linisin ito at ang mga bagay na hindi na magagamit ay ilagay ko raw sa attic. I checked them all and collected those trash I can throw.

Narito ang mga gamit ng aking ina at ama noong nabubuhay pa lang sila. Dito ko nga nakuha ang isang kwintas na pagmamay-ari niya, kinuha ko iyon at tinabi. Hindi ko sinuot dahil baka mawala pa o kaya ay mahablot.

Binuhat ko ang isang box na pinaglagyan ko ng mga news papers noong 90's. Those are just news about their achievements. They do investment. Noong araw na buhay pa sila… sila ang biggest investor sa bayan namin.

I wonder how my father never love my mother and so my mother to dad. They both have a lover outside their marriage.

Nagitla ako nang may bumuhat sa hawak kong box. "Let me," aniya. Binitawan ko naman iyon at hinayaan siya na magbuhat. Nandito na naman siya? I mean, wala ba siyang ginagawa sa buhay niya? "Saan dadalhin?" He asked.

Tinuro ko naman ang hagdan na papunta sa attic, "sa taas." Tipid kong sagot. He nodded and started to walk on the stairway. Nakasunod lang ako sa kaniya.

Hindi naman mabigat ang kahon na iyon. Mga papel lang nilagay ko doon at itatransfer ko sana sa attic. I have no plan on discarding them.

Nang makarating kaming dalawa sa attic ay agad niyang pinatong iyon sa isang maliit na cabinet. Napalinga siya sa paligid.

Malinis ang paligid at hindi gaanong naaalikabukan dahil lagi kong nililinis ito every weekends. Minsan hindi ko nalilinis.

"Ano ang mga narito?"

Umupo ako sa maliit na single sofa. "My parent's memories." Sagot ko.

Lumapit siya sa isang wall na may mga pictures na nakadikit. I made those. Dinikit ko ang mga iyon sa wall, ang iba ay nilagay ko sa mga frames at albums.

"Hawig nga kayo ng mother mo. She's beautiful, no wonder why you're gorge–ahm," he didn't continue his line.

Nagtungo ang tingin ko sa isang kabinet na malaki. Sari-saring mamahaling plato ang nakikita ko na nakadisplay lang sa loob ng isang glass cabinet. Mayroon ring iba’t ibang uri ng mga tasa, mga wineglass na nakasabit sa taas ng kabinet. Malaki ang attic kaya hindi imposible na magkasya iyon.

Bumaba kaming dalawa ni sir nang magyaya na akong umalis. Nilagay ko lang naman ang kahon doon. Nagsasalita siya habang sabay kaming naglalakad papunta sa labas. Makulimlim. Sakto lang naman kaya sa tingin ko ay hindi naman uulan.

Masarap sa pakiramdam na makakita ng mga halaman lalo na't ang mga kulay nila ay napakaganda. Umupo ako sa isang duyan na narito sa garden at marahan na ginalaw iyon.

"I think it's gonna rain," komento niya. Nakatingala siya sa makulimlim na kalangitan.

Umiling ako, "hindi. Hindi rin." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Gusto mo bang sumama sa akin?" He asked.

Kumunot ang noo ko. Hininto ko ang paggalaw ng duyan na kinauupuan ko. "Saan naman?"

"Dadalawin ko kasi ngayon si papa. Maybe, you want to come with me?" He said on a soft voice.

He's really a different person outside the school. Sa tuwing hindi siya nakasuot ng uniform at kaswal lang ang suot niya ay nagmumukha siyang binata. Lagi pa siyang may suot na wrist watch.

HOME VISITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon