Nakatutok ang mga mata ko sa ginagawa ni sir Ryan habang iniikot niya ang mga wire na hawak niya. Seryoso kaming lahat na mga estudyante niya na sinusundan ang bawat galaw niya sa hawak na wire. Pinakikita niya ulit ang tamang pagkonekta sa dalawang wire para hindi masunog o ma-short ang kuryente.
"Pag nagdikit ang mga wire, kaboom. Kapag overload, kaboom. Kapag loose ang wires, kaboom. Lagi niyong titingnan kung walang wire na nakawala."
Ganiyan siya magturo. Actual niyang pinakikita sa amin ang dapat naming gawin, ginawa pa niyang example ang nangyari sa akin kapag nagkamali kami. Ang nangyari kase noon ay nag-overheat ang ilaw tapos pinitik ko pa kaya ganoon ang naging reaksyon.
"Kung ang wire ay nasa loob ng pader tapos nagkaroon ng short circuit, magsasanhi pa rin iyon ng sunog kaya huwag kayo pakampante."
Nagsitanguan kaming lahat sa sinabi niya.
"Sa Sabado aayusin natin ang kuryente sa library. Madali lang naman iyon, so kahit dalawa lang ang sumama sa akin."
Malaki din ang tulong ng specialty na ito dahil kami ang aayos sa sirang kuryente lalo na kapag takot silang galawin iyon. Pero, sila lang ang inuutusan at hindi raw ako pwede dahil babae ako.
"See you all tomorrow." Anang sir saka niya kami pinayagan na lumabas ng room.
Mabilis na nahuli ng mga mata ko si Edzell na kalalabas lang din ng classroom nila. May hawak siyang keyboard ng monitor at kausap ang isa sa mga kaklase niya.
Nang makita naman niya ako ay nagpaalam siya sa kaklase niya at binigay doon ang keyboard na hawak. "Andres!" Lumapit siya sa akin. "Parang luluwa na mata ko sa monitor. Two hours kaming nakababad sa mga computer, putik." Pagrereklamo niya nang sumabay siya sa paglalakad ko.
"Palit tayo, ako sa computer—ikaw sa wirings."
"Nah! Nah! Anong gagawin ko roon? Makipaglaro ng ten-twenty gamit ang wire? Never."
Bahagya akong natawa sa naging reaksyon niya. "Hoy, madali lang ang electrical installation, ah."
"Sa iyo! Eh, sa akin?"
Narating namin ang canteen at sabay kaming humila ng upuan para maka-upo at magpahinga.
"Ewan ko sa iyo bakit iyan pinili mo. Pwede ka namang mag-ano… 'yung sa hotel management."
Umiling ako sa sinabi niya. "Hindi pwede," aniko. "Ito ang business ng ama ni Andres at William Domingo kaya kung maari daw ay sana ito ang makita nila sa certificate niya."
"Bakit hindi siya ang mag-aral? Tamad!" Asik ni Edzell. "Well, anyways, hindi kita makikilala kung hindi ikaw ang nandito, so that's a good thing."
Nalipat ang tingin ko sa bagong pasok na mga estudyante sa canteen. Sumunod roon ay sina Chelsea at ang mga alipores niya na masyadong loyal sa kaniya.
May bagong bag si Chelsea na pinagtitinginan ng mga estudyante sa loob nitong canteen. Napailing ako. Sinasadya talaga niyang maging bida sa mata ng mga tao sa paligid niya. Stupid.
Bumalik ang tingin ko kay Edzell na nakatingin din pala sa akin. Nailang ako bigla lalo pa't iba ang paraan ng tingin niya. Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
Umiling naman siya at ngumiti. "Wala. Hinahanap ko lang kung saan ka nagustuhan ni you know."
Umirap ako. "Hinahanap?"
"Oo! Parang wala namang maganda sa iyo. Ang panget mo kaya." Sinundan niya iyon ng hagalpak na tawa.
Lalong kumunot ang noo ko. Pangit ba talaga ako? Grabe naman makapanglait ang isang ito, akala mo ay kaguwapuhan din, eh.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.