Kabanata 12
My brain was a mess when I took the exam. Tapos na ang apat na araw para sa exam at bukas na ang huling exam ko. I was also thankful that Javier did not disturb me during the days when my mind was busy.
Wala din akong training ngayon para makapag focus sa exam na ito. Mabuti nalang din 'yon dahil napadali ang pag rereview ko at ngayon, maaga akong nakakatapos sa mga exams ko.
"Shelou tapos kana?" Bulong ko sa kaibigan nang matapos akong mag sagot sa test paper ko.
"Hindi pa nahihirapan ako gagi." She complained. She seriously looked at her test paper as if she was having a hard time. Tapos ay titingala at titingin sa kisame na parang nandoon ang sagot na hinahanap niya.
"Mag papasa na'ko. Lalabas na'ko ha," Bulong ko sa kanya.
Kinawag kawag nya ang kanyang kamay na parang pinaalis na ako habang ang tingin nya ay diretso na sa papel ngayon, mukang nakuha nga ang sagot sa kisame.
I stood up and passed the paper and left the classroom quietly. Tumungo ako sa library para mag review doon ng susunod na exam para bukas.
Kaunti ang tao ngayon. Pinili ko ang pinaka dulong upuan para hindi nakaka asiwa sa ibang nandito. Binaba ko ang gamit ko at umupo doon para mag simula nang mag review. Nakaka dalawang pahina palang ako ng notes na binabasa ay may naupo na sa harap ko. Hindi ko sya pinansin dahil baka nakiki upo lang kaya tuloy tuloy ang pag babasa ko.
"Happy birthday." Napa angat ako ng tingin sa pag bati ng naupo sa harapan ko. Kumunot ang noo ko nang makita si Javier na nakatitig sa akin ng malalim.
"Pano mo nalamang birthday ko?" Masungit na tanong ko sa kanya. Saka tinuloy ang pag babasa sa notes ko. Ngunit kahit anong gawin kong pag seseryoso ay wala nang pumapasok sa utak ko hindi gaya kanina.
"Nakita ko sa wallet mo lahat. Anong plano mo ngayong birthday mo?" Siryosong tanong ni Javier. Binaba ko na nang tuluyan ang binabasa ko at hinarap na sya.
"Wala. Wala akong plano kundi mag review lang. Pwede ba Javier? Lubayan mo ako busy ako."
Naiirita kong sabi sa kanya at saka umirap. Nilagay ko na ang mga gamit sa bag ko. Mukang hindi ako makakapag review ng mapayapa.Kinuha ko naman sa bag ko ang sobre na may lamang five thousand na biniyad nya sa akin noong huli naming pag kikita. Pati narin ang nga alahas at sapatos na binili namin ni Eugene.
"Ayan na pala yung pera at sapatos pati alahas. Wala naman akong nagawa sa party para sayo dahil umalis ako agad. Kaya binabalik ko na."
Binaba ko sa harap nya iyon at masama nya akong tiningnan.
"Naging date kita. Iyon lang ang pinagagawa ko sayo. Nagawa mo naman di'ba? Bakit mo pa binabalik?" Galit na sabi nya sa akin.
Nag iwas ako agad ng tingin. Tama sya nagawa ko nga. Date nga ang hiningi nya sa'kin. Pero nag expect kasi ako na may ipapagawa pa sya sa akin doon. Kaya akala ko ay wala akong nagawa sa kanya.
"Kunin mo yan. Hindi ka din sumweldo sa trabaho mo dahil kinuha kita kaya tanggapin mo yan."
Aniya at galit padin.Lumunok ako at tiningnan ang sobre. Kinuha ko iyon at nilagay ulit sa bulsa. Maging at alahas at sapatos.
"Alis nako." Walang gana kong sinabi saka tumayo.
"At saan ka pupunta? Tapos na ang klase nyo hindi ba? Birthday mo ngayon. Hayaan mong i treat kita ngayon." Bulong nya habang patuloy ang pag sunod nya sa akin.
Pinilit kong hindi mag salita dahil nasa library kami at ayokong makaabala.
Nang nasa labas na kami ay saka ako nagsalita."Hindi mo na kailangang gawin yon Javier. Bakit ba ako ang lagi mong ginugulo? Humanap ka ng ibang babae dyan na guguluhin wag ako!" Naiinis kong sigaw sa kanya habang patuloy ang pag lalakad. Uuwi na ako.
BINABASA MO ANG
Wavering Heart
RomanceSi Chanel Acosta, ay may lihim na pag tingin sa kapatid ng kanyang bestfriend. Ngunit nang mapansin na sya nito, ay bigla namang may ibang lalaki ang a-agaw ng kanyang atensyon. Paano nya malalaman kung sinong tao, ang para sa kaniya. Kung sino sa d...