Kabanata 4
Iginala ko ang mata ko sa music room ng eskwelahan. Kasabay ng pag punas ko sa aking noo gamit ang likod ng palad dahil sa pawis na namumuo doon. Hinihingal na din ako, pawisan narin maging ang likod at leeg ko.
Hindi pa ako nasiyahan at kinuha ang paborito kong panyo at pinunas sa muka ko. Sana sa susunod, lagyan na nila ng aircon ito!
Naglinis kasi kami ng room dahil mamaya na ang audition. Naisali kasi ang school namin para magkaroon ng Band Competition. Ngunit ngayon palang sila bubuo ng banda. Sa katapusan ng taon ang paligsahan kaya mahaba haba pang buwan ang ilalaan nila. Ngunit ang ibang mga kalahok ay matagal nang naka buo ng panlaban nila.
Kasabay din nito ang swimming competition na sinalihan ko. Kapag nanalo ako doon ay ilalaban na ako sa international kaya gusto kong galingan. Isa iyon sa pangarap ko. Pero imbes na mag practice ako ng ngayon, nag lilinis ako ngayon sa kwartong ito. Dahil lang naman ito sa magaling kong kaibigan na gusto pa ay may kasama. Sya naman talaga ang unang inutusan. Isinama nya lang ako.
Nang makumbinsi ko na ang sarili ko na malinis na ang silid ay tumingin ako kay Shelou sa sofa na mahimbing na natutulog, habang naka upo at may hawak pa na walis. Napaka galing talaga ng isang ito. Napabuntong hininga nalang ako nang lapitan sya.
"Shelou hoy, gising."
Nilakasan ko ang boses ko para magising siya. Tinapik-tapik ko pa ang kanyang muka. Maya-maya ay paunti unti na niyang dinalat ang kanyang mga mata. Saka pa ito kinusot. Feeling nasa bahay, ah?"Tapos naba?"
Tanong nya at kinusot kusot pa ulit ang mata. Parang sya pa ang pagod na pagod pero ako naman itong mas madaming nagawa. Pinasadahan niya pa ng tingin ang buong silid. Napangiti rin sa huli nang mapagtanto na natapos ko na.
"Wala ka talagang ginagawa pag ako ang kasama mo."
Reklamo ko sa kanya. Tumayo na sya at inayos ang sarili at nginitian lang nya ako at nag peace sign pa.
"Tara ililibre nalang kita ng lunch, anong gusto mo? Kahit dalawang ulam pa ang kunin mo ayos lang sa akin." Aniya. Magaling rin talagang manuhol ang isang ito napailing iling ako at napapabubtong hininga. Tumayo siya at nag inat-inat.
"Mabuti nalang talaga tayo ang nautusan. Entre subject natin na naiinis ako sa bagong teacher, masyadong maarte. Palibhasa ay bata pa."
Dagdag pa nya. Wow ha? Anong kami? Siya lang ang inutusan, nasama nalang ako. Binuksan nya ang pinto palabas at tumingin sa akin, hinihintay ako.
"Ano? Tara na? Ang tagal mong kumilos." Aniya. Natatawa. Nako Shelou, malapit na akong mapuno sayo ha!
"Sandali lang ho, ano? Ayusin ko muna tong mga panlinis."
Inayos ko muna ang mga panlinis na ginamit namin at sumunod na sa kanya.
"Sino ba don?"
Tanong ko sa kanya dahil hindi ko pa na me-meet ang bagong teacher namin. Actually, pumalit lang sya dahil naka Maternity leave si Maam Velasco, ang favorite teacher ko.
"Yung tita ni Yuri"
Sagot nya sabay pasok sa Cafeteria.
"Yuri?"
Naguguluhan kong tanong, parang pamilyar sakin ang pangalan.
"Yung pinsan ng lalaki na naka meet mo"
"Pinsan ni Javier?"
Humarap sya sakin at pinan liitan ako ng mata.
"Bakit kilala mo na sya? Pag Javier alam na agad? Pag Yuri waley pa? Eh, sabay ko lang naman sila napakilala sayo."
BINABASA MO ANG
Wavering Heart
RomanceSi Chanel Acosta, ay may lihim na pag tingin sa kapatid ng kanyang bestfriend. Ngunit nang mapansin na sya nito, ay bigla namang may ibang lalaki ang a-agaw ng kanyang atensyon. Paano nya malalaman kung sinong tao, ang para sa kaniya. Kung sino sa d...