Kabanata 24

93 5 0
                                    

Kabanata 24

Ilang sandali pa ay dumami narin ang mga estudyanteng manonood ng practice nila Javier. I didn't expect so many people to watch this practice, but then I guess, talaga nga sigurong dudumugin ito dahil sa mga kasali sa banda na ito.

Javier is the vocalist, si Yuri ang sa drum, sa piano naman ay si Ronie at sa guitar naman ay si Leo. Lahat sila ay may itsura, lahat ay may fans at lahat sila ay masasabi kong magaling. Naka dalawang kanta na sila at feeling ko hindi practice itong pinanonood namin dahil parang napaghandaan na nila ito noon pa. Talagang magaling nga sila.

Nakaupo kami ni Shelou sa harap. Panay ang kuha niya ng litrato kay Ronie, I wonder, napansin na kaya siya nito?

Nawala ako sa focus sa panonood nang marinig ang chismisan ng nasa likuran namin ni Shelou.

"Napaka gwapo naman talaga nitong si Javier!"

"Oo nga! Magpapa picture ako mamaya! Sana mapansin ako!"

"Asa kapa! Sa dami ng babae niyan si Loreane lang ang sisiryosohin niyan, no!"

"Sinong Loreane? 'Yung lagi niya dating kasama? Diba nasa ibang bansa na 'yon?"

"Nakabalik na kaya! Nakita ko kanina sabay silang pumasok! Dito na nga yata ulit mag aaral."

Nagkatinginan kami ni Shelou nang marinig namin iyon. Sumama ang tingin niya sa dalawa kaya agad ko siyang siniko at nang Humarap siya sa akin ay pinandilatan ko naman ng mata at inilingan.

Wala naman silang alam. Hindi nila alam na ako na ang girlfriend ni Javier at kaibigan niya lang si Loreane. Pero hanggang saan nga ba ako makakasigurado doon?

Kahit naman alam kong ako na ang girlfriend hindi ko parin maiwasan na magselos. Ganoon siguro talaga kung may kaibigang babae ang boyfriend mo? I don't know. First time ko lang din kasi ito.

Nang natapos ang practice nila ay nakangiti akong sinalubong ni Javier.

"Tara? Hatid na kita," alok niya kaya naman napangiti ako. Kahit anong pigil ko sa labi ko ay hindi ko magawa. Nanlaki pa ang mata ko nang kinuha niya ang aking bag at nilagay iyon sa kaniyang balikat. Natawa ako.

"Sweet, nakakainis!" impit na tili ni Shelou.

Narinig ko ang singhapan at bulungan ng ibang naririto na nanonood ng practice nila. Lalo pang lumakas ang usapan nang hapitin ni Javier ang bewang ko.

"Sige na alis na kayo. Madaming chismoso. Dito muna ako, hihintayin ko yung soon to be jowa ko," sabi ni Shelou at kumindat pa sa akin.

"Let's go," anyaya ni Javier sa akin. Gusto ko nga iyon kaya naglakad na kami palabas ng auditorium.

Habang naglalakad kami palabas ng gate ay napapansin ko ang mga studyanteng napapatingin sa gawi namin. Kahit kanina pa ang uwian ay madami dami parin ang studyante na naririto. Pigil ang hininga ko at masyado akong kabado. Hindi ako sanay at naiilang ako sa mga tingin na ibinabato nila sa akin.

Pag dating sa sasakyan ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Nakakahiya," hindi ko na napigilan pa ang pagsasalita.

"Saan ka nahihiya? Nahihiya kang kasama mo ako?" naguguluhang tanong ni Javier habang pina aandar niya ang kaniyang sasakyan. Agad akong umiling.

"Hindi no! I mean, pinag titinginan kasi tayo. Hindi ako sanay kaya nahihiya ako."

Agad akong nag iwas ng tingin ngunit agad niya ring hinawakan ang aking panga at hinarap ako sa kaniya.

"Masanay kana dahil araw araw nila tayong makikitang magkasama. Wala akong pakeelam sa kanilang lahat. Ikaw lang ang titingnan ko. Masasanay rin sila," malumanay niyang sabi habang titig na titig sa akin. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang kilig.

Wavering HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon