Kabanata 15
Habang bumababa ng kanilang hagdanan ay panay padin ang hila ko sa mahikling palda na suot habang tinatakpan ng kabilang kamay ang aking dibdib.
Sa kanilang sala ay naabutan ko si Anton. Naka upo sa kanilang sofa at naka dikuwatro ang binti.
Nalaglag ang kanyang panga nang makita ko. Pinasadahan nya ako ng tingin muka ulo hanggang paa na para bang kinakabisado ang bawat angulo ng muka ko.Lumaki ang kanyang ngiti nang mapalapit ako, umaayos ito ng pag kakaupo at marahan akong hinila sa aking bewang, dahilan na mapaupo ako sa kanyang hita.
"Ay Anton!" Tili ko dahil sa gulat. Humalakhak lang ito at tinitigan ako sa muka. Kumakabog ang puso ko dahil sa ayos naming dalawa. Hindi ko alam kung para saan ang kabog na 'yon. Takot ba iyon o dahil sa kilig? Hindi ako sigurado.
"You're so beautiful Chanel. Dito nalang kaya tayo sa bahay?" Aniya sa napapaos na boses. Naramdaman ko ang pag angat ng kanyang palad sa aking likod, napalunok ako. Dali dali akong tumayo galing sa pag kaka-kandong sa kanya. Kumunot ang kanyang noo.
"What's wrong?" Nag tataka nyang tanong.
"H-hindi kasi ako komportable Anton. S-sa suot ko masyadong maliliit." Pag amin ko. At hindi din ako komportable sa ayos naming dalawa kanina. Pero hindi ko iyon aaminin.
"Oh come on, Chanel. You're hot! Wala ka dapat ikahiya. Halika na!" Pareho kaming napalingon sa kabababa lang na si Shelou.
"My sister is right. You're hot." Tugon naman ni Anton. Naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi. Humagikgik si Shelou na tila kinikilig sa tugon ng kapatid.
"Let's go. Magpakasaya tayo ngayong gabi!" Tili ni Shelou at nauna pang lumabas ng kanilang bahay. Iginiya ako ni Anton palabas habang hawak ang aking bewang. Ngumiti ako ng tipid sa kanya.
"I want to kiss you again." Bulong nya. Napangiti ako. Pero hindi ko pa sya sinasagot. Parang ume-echo ang boses ni Javier sa utak ko. Hindi dapat nag papa halik kapag hindi pa boyfriend.
"Hindi pa kita boyfriend, Anton." Matapang kong sagot. Kahit ang totoo ay gusto ko ding namang mahalikan. Huminga sya ng malalim na parang disappointed.
"Kelan ko ba makukuha ang matamis mong oo Chanel?"
"Siguro kapag nakita kong worth it ka?" Natatawa kong sambit sa kanya.
"Sabagay, mas gusto ko din talaga yung pinag hihirapan ko. Wait ka lang dyan sasagutin mo din ako. Dahil alam kong worth it ako!" Aniya sabay kindat. Humalakhak ako.
"Hoy kayong dalawa bilisan nyo nga ang pag lalakad! Para kayong nasa prosisyon!" Sigaw ni Shelou na ngayon ay nasa tabi na ng kotse.
Pumasok ako doon at si Anton ang nagmaneho.
Huminto ang kotse sa isang malaking building. Pumasok kami doon at sumakay sa elevator."Nandoon na kaya si Ronie?" Tanong ni Shelou.
Si Anton na ang pumindot ng button at pinaka taas ang pinindot nya. 30th Floor."Hindi ka dapat nag hahabol sa lalaki." Saway ni Anton sa kapatid. Inirapan lang sya ni Shelou.
Pag bukas ng elevator ay may naririnig na agad akong dagundong na tunog kahit wala pa naman kami sa entrance. Palagay ko ay sinakop ng buong Bar na ito ang buong floor. Dalawang bouncer ang bumungad sa amin. Dim na ang light sa entrance palang.
Nangangatong ang tuhod ko habang panay padin ang hila sa aking maliit na palda. Hindi ko alam kung kaba o, excitement ba ang nararamdaman ko ngayon dahil sa malakas na tambol ng puso ko.
"Are you nervous?" Tanong ni Anton, hinawakan nya ang aking bewang at humalakhak ng mahina. "Don't be, love. Kasama mo ako wag kang kabahan." Bulong nya sa tenga ko. Kinagat ko ang labi ko at tumango ng marahan.
BINABASA MO ANG
Wavering Heart
RomanceSi Chanel Acosta, ay may lihim na pag tingin sa kapatid ng kanyang bestfriend. Ngunit nang mapansin na sya nito, ay bigla namang may ibang lalaki ang a-agaw ng kanyang atensyon. Paano nya malalaman kung sinong tao, ang para sa kaniya. Kung sino sa d...