Kabanata 20

82 9 0
                                    

Kabanata 20

Madaling araw palang ay gising na kami nila nanay para sa pag hahanda. Pupunta din kasi ang mga tiyahin at tiyuhin ko na kapatid ni tatay at nanay.
Maging si Niko ay may inimbitang kaklase.

Malamig ang simoy ng hangin sa labas, mula din dito sa amin ay rinig na rinig ko ang hampas ng alon.

"Ilagay mo pa itong kahoy anak para mas umapoy pa." Utos ni nanay sa akin na agad kong sinunod. Inilagay ko ang ilang piraso ng kahoy sa pinariringas kong baga. Naupo ako sa tapat noon at pinaypayan pa. Agad nga itong umapoy sa kaunting paypay. Inilagay ko na sa ibabaw noon ang tubig na pakukuluan ko.

Kailangan ito para sa pag tatanggal ng balahibo ng manok. Bukod sa binili kasi namin kahapon na manok ay may kompareng nag regalo kahapon kay tatay ng mga buhay na manok, para idagdag sa handa niya.

Habang nag papakulo ng tubig sa labas ng bahay ay napalingon ako sa aking likuran nang makarinig ng yapak ng paa. Papalapit iyon sa akin.

"Ano yan?"

Tinaasan ko ng kilay si Javier at agad na binalik din sa pinakukuluan ang tingin. Bakit kahit madilim pa, nandito na ang mokong na ito? Pero okay lang. Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang pag ngiti. Dapat masungit lang ako.

"Nag papakulo ng tubig. Bakit ka nandito? Madilim pa pumaparito kana. Hindi ba kayo umuwi kahapon?" Nag tataka kong tanong habang inaabala ang sarili sa pag aayos ng kahoy na umaapoy.

"They went home yesterday, nagpaiwan ako dito."

Kumunot ang noo ko at nilingon ulit sya ng nagtataka. "Saan ka natulog?" Nagpa iwan sya para sa akin?

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at naupo na din sa tabi ko, sa tapat ng apoy.

"Concern ka? I didn't sleep well, sumakit ang bewang ko, saka itong leeg ko masakit." Reklamo nya habang hinahawak hawakan pa ang kanyang leeg.

"Tinanong ko lang kung saan ka natulog, hindi ko tinatanong kung may masakit sayo." Masungit kong sagot habang pinipigilan ang pag ngiti.

"Chill, I slept in my car." Umawang ang bibig ko at napalunok. Napaiwas ako ng tingin.

"Bakit ba kasi hindi kapa umuwi?" Tanong ko habang nananatili sa apoy ang aking mga mata. Hindi magawang patagalin ang pag tingin sa kanya. Pakiramdam ko ay malulusaw ako.

"Hihintayin kita. I will take you home....sa Manila."

Para akong nabilaukan sa sinabi nya kahit wala naman akong kinakain o iniinom. Ang tibok ng puso ko ay hindi na rin nagiging normal. Ano bang ginagawa sa akin ng isang ito!

"Kaya kong mag bus. Hindi mo ako kargo Javier." Bulong na iyon. Hindi ko kayang ilakas dahil pakiramdam ko nawalan ako ng lakas sa aking katawan.

Napalunok ako nang lumapit pa sya lalo sa akin.

"Why? Don't you want to go home with me? Nililigawan kita Chanel, kaya kong maghintay dito hanggang sa bumalik kana ng Manila. Babalik tayo ng sabay." Pakiramdam ko, utos na ang huli niyang sinabi. Utos na mahirap tanggihan.

"Oh Javier, ang aga mo ah. Halika at tanggalan na natin ng balahibo ang mga kinatay kong manok!" Napalingon kami kay tatay, galing sa likod ng aming bahay. Doon yata kinatay ang manok.

"May usapan kayo?" Nag tatakang tanong ko kay Javier.

"Yup. Kasama yata to sa panliligaw." Tumayo na sya at kumindat pa sa akin, bago ako tinalikuran at lumapit kay tatay. Kala mo naman ka akit akit sya kung mag babalahibo ng manok. Napairap ako.

Tumayo na din ako sa pag kaka upo, dumiretso ako sa bahay at kumuha ng mga gulay para hugasan. Mag babalat na din ako nitong mga sibuyas, carrot at patatas.

Wavering HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon