Kabanata 23
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang nag dive. Uubusin ko ang natitirang 30 minutes sa pag langoy. Ayon kay Coach ay 20 laps dapat ang magawa ko.
Kauuwi lang namin kagabi ni Javier. Sila Anton ay kahapon pa nakauwi. Pagkatapos ko kasi siyang mabasted kahapon ay dumiretso na silang umuwi ni Shelou.
Until now, hindi ko parin magawang mapaniwalaan ang sariling desisyon. Mapaglaro talaga ang pag ibig. Iniisip ko, paano ako makakabawi kay Anton? Mapapatawad niya paba ako? At si Shelou? Galit ba siya sa akin?
Nang matapos ako sa training ay hinihingal akong naglakad palapit sa bench na pahingahan ng mga swimmer. Wala na si Coach at ako nalang at natira dito sa natatorium.
Narinig ko ang pag sara ng pinto kaya nilingon ko iyon. Lumaki ang ngiti ko nang makita ko mula roon si Javier. May dala pa itong bottled water.
"Hi!" I said, and smiled wildly.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. He grin. "You're wet."
I rolled my eyes. "Natural, nag swimming ako. Ikaw kaya ang ilublob ko sa tubig tingnan ko kung hindi ka mabasa."
"Sungit naman." He chuckled.
Umirap ako muli ngunit napapangiti rin. Tumabi siya ng upo sa akin at inabot sa akin ang mineral water na dala. Tinanggap ko iyon at uminom.
"May practice kami mamaya sa auditorium, gusto mong manood?" Tanong niya.
Tumigil ako sa pag inom at binaba sa gilid iyon. Kakanta siya? Napangiti ako. Matagal tagal ko naring hindi naririnig si Javier na kumanta. Ngumiti ako at tumango. "Sige ano bang oras?" Tanong ko.
"Pagkatapos pa naman ng klase mamayang hapon."
"Sige pupunta ako."
"Sinong kasabay mong mag lunch?" Tanong niya kaya napaisip ako.
"Siguro si Shelou, pero hindi ko sigurado kung galit rin ba siya sa akin. Hindi pa kami nag kikita dahil dito agad ako dumiretso dahil sa training."
Nag iwas siya ng tingin at tumango tango. Napatingin siya sa pool.
"Let's swim." Aya niya. Hindi pa ako nakakasagot ay nanlaki na ang mata ko nang unti unti na niyang inaalis ang bitones ng kaniyang uniform. Napalunok ako nang bumulaga sa akin ang makisig niyang katawan. Napaiwas na ako ng tingin nang alisin na rin niya ang belt ng kaniyang pantalon. Narinig ko ang halakhak niya. Mabuti nalang at kami lang ngayon at tao rito!
Sinamaan ko siya ng tingin. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang matigas niyang braso sa aking likod. "Javier!" Tili ko.
I screamed when he lifted me up, at sabay kaming bumagsak sa tubig.Umalingaw-ngaw ang tawa naming dalawa sa loob nitong natatorium.
"Baliw ka! Wala ka bang klase?" Tanong ko.
Pinasadahan niya ng kaniyang daliri ang basa niyang buhok. "Meron. Pero hindi ko kayang hindi ka makita."
Pinalo ko siya sa kaniyang dibdib. Napangiwi ako nang maramdaman na matigas iyon. "Mag aral kang mabuti. 'Wag kang lumiliban sa klase!" Singhal ko.
Unlike me, kung lumiliban man ako sa klase ko para sa training, nagkakaroon naman ako ng excuse at valid ito. Sa gabi naman ay pinapasa sa akin ng teacher ko ang lesson at pinag aaralan ko iyong mag isa. It's not easy but I don't have a choice, hindi kami mayaman, I have to be good, dahil itong sports na ito ang pinang hahawakan ko para sa scholarship. Pangarap ko rin ito. Pangarap kong manalo. Mahal ko ang pag su-swimming, at pangarap ko rin makatapos ng pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Wavering Heart
RomanceSi Chanel Acosta, ay may lihim na pag tingin sa kapatid ng kanyang bestfriend. Ngunit nang mapansin na sya nito, ay bigla namang may ibang lalaki ang a-agaw ng kanyang atensyon. Paano nya malalaman kung sinong tao, ang para sa kaniya. Kung sino sa d...