Kabanata 5
"Oh, ang tagal mo ah?"
Tanong ni Shelou pagkatapos kong umupo sa tabi nya.
Umirap lang ako habang hinihingal pa. Ito nanaman siya. Siguradong mag tatanong nanaman. Daig pa nito reporter."Why? What happened?"
Nakakunot ang kanyang noo habang pabulong na nagtatanong, natatakot na baka marinig sya ni Sir. Sinasabi ko na nga pa. Wala talagang lusot ang itsura ko sa kaniya kapag mang kakaibang nangyari sa akin. Kilalang kilala talaga ako nito. O siguro talaga chismosa lang siya talaga.
"Nako mamaya na ako nag ku-kwento! Mainit pa ang ulo ko." Reklamo ko.
She rolled her eyes at mahina s'yang napamura.
I know, naiinis nanaman siya, gusto n'yang malaman kung anong problema ko. I totally know her. Basang basa ko na ang isang ito."Alright, later then."
Bulong nya.Sinamahan niya ako sa training ko. Mabuti nalang at mabilis lang ako ngayon. Hinihingal pa ako nang umahon ako mula sa pag langoy. Naka 3 laps rin ako.
"10 Minutes rest Chanel." Utos ni Coach na tinanguan ko.
"Oh tubig." Ani Shelou sa akin. Napangiti ako.
"Thanks." Sagot ko at kinuha ang inabot n'yang tubig sa akin habang hinihingal padin.
"Mag jowa ka na kasi para kikiligin ka sa mag aabot sayo ng tubig pagkatapos mong mag training." Aniya at humagikgik pa.
Muntik ko nang maibuga sa kaniya ang tubig na iniinom ko. Kaya naman humagalpak siya ng tawa.
"Baliw!" Singhal ko sa kaniya at napairap sa kawalan.
Bumalik ako sa pag langoy pagkatapos ng binigay sa aking pahinga. Habang lumalangoy ay sumasarap ang pakiramdam ko. Bukod sa nawala ang panlalagkit na nararamdaman ko kanina, gustong gusto ko din ang pakiramdam na nandito sa tubig. Parang nabubuo ang pagkatao ko. Para akong nakakawala sa kung saan.
After ng ilang beses kong pabalik balik sa pag langoy ay hindi ko namalayan na tapos na pala ang oras ko dito sa training, kung hindi ko lang narinig ang pag pito si Shelou ay hindi ako titigil. Talagang ginamit nya pa ang pito ni coach.
"Halik na! Umahon kana dyan baka maging sirena kapa!" Natatawang sambit ni Shelou.
After ng training ko ay dumiretso na kami ni Shelou sa Music room para mapanood ang mga mag Au-audition. How I wish that he's not there. I hate his guts! Dyusko baka bumalik nanaman ang init ng ulo ko.
"Sigurado ka si Javier 'yon?" Tanong ni Shelou matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kanina.
"Yes." Sagot ko. Mukang hindi pa siya naniniwala na si Javier ang nakausap ko kanina. Baket? Wala ba akong karapatan?
Tumingin ako sa kanya habang manghang mangha. Kaibigan ko ba talaga to?
"And then?" Aniya. Mukang naniwala na at gusto pang marinig lahat ng nangyari.
"Wala, hindi ko sya maintindihan, para syang naka drugs or something, he even said na nagpapapansin ako sa kanya!"
"Nako, ha baka naman kasi nag papapansin ka talaga?" Aniya at tumawa.
"Hell, no!" Masungit kong sagot.
Pag pasok namin sa music room ay madami nang tao, karamihan ay mga lalaki, meron din namang babae na puro tili lang ang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Wavering Heart
RomanceSi Chanel Acosta, ay may lihim na pag tingin sa kapatid ng kanyang bestfriend. Ngunit nang mapansin na sya nito, ay bigla namang may ibang lalaki ang a-agaw ng kanyang atensyon. Paano nya malalaman kung sinong tao, ang para sa kaniya. Kung sino sa d...