Kabanata 18
"Wohooo!" Sigaw ko nang sa wakas ay naka tyempo ako ng malaking alon. Tumapak ako sa surfboard at nakangiting nilalakbay ang patungong dalampasigan habang tinutulak ng malaking alon na napili kong sabayan.
"Galing ni ate!" Lumapit agad sa akin si Niko nang umahon ako sa dagat dala ang board. "Ako naman!" Aniya at malaki pa ang ngiti.
"Ayoko nga, sisirain mo lang ito e. Sinira mo yung dati kong surfboard." Reklamo ko sa kanya.
"Hindi naman ako ang nakasira non! Yung kaklase ko. Sige na, pa try lang ng isa 'te." Pag mamakaawa nya pa.
Kabibigay lang nito sa akin ni tatay, second hand na ngunit maayos pa naman. Ito ang regalo sa akin ni nanay at tatay noong birthday ko. Nahiya nga ako dahil tapos na ang birthday ko ngunit may pahabol pa sila. Si tatay dapat ang binibigyan ko. Di bali na babawi nalang ako bukas ."Pag balik ko ng Manila mag sasawa ka dito. Ako muna ngayon no!" Pag susungit ko sa kanya. Napapangiti ako dahil sa itsura nyang busangot. Para tuloy gusto ko na syang pahiramin dahil nahahabag ako sa itsura nya.
"Niko! Magandang araw!" Pareho kaming napatingin ni Niko kay Catherine, taga dito din at kaklase ni Niko.
"Oh nandito ka nanaman?" Masungit na sabi ni Niko. Lumingon sa akin si Catherine na parang hindi ininda ang pag susungit ng kapatid ko.
"Nandito ka pala ate Chanel, pwede ko po bang hiramin si Niko sandali?" Magalang nitong tanong sa akin kaya napangiti ako. Nakita ko ang pagka asiwa sa muka ni Niko, mukang aapila kaya napangising aso ako."Sige kunin mo na 'yang kapatid ko." Pag payag ko at saka ko sila tinalikuran. Narinig ko pa ang reklamo ni Niko kaya humalakhak ako.
Umupo ako sa surfboard, inayos ko pa ang tali sa aking paa bago sinagwan ang aking kamay upang lumayo doon sa dalamapasigan. Susubukan ko ulit kung makaka tiempo ako ng magandang alon.
Katulad noon ay may mga kabataan ding nag su-surf, may mga taga rito at ang ilan ay mukang dayo. Lalo na ang nasa kabilang dako. Mag babarkada siguro iyon, may nag suswimming, nag su-surf, may umiinom ng alak, puro sila magugulo at nagkakantiyawan.
Inalis ko ang tingin sa kanila at tinuon ang tingin sa aking harapan. Kung saan hihintayin ko ang magandang alon na tatangay sa akin.
Ilang saglit pa ay nakatiyempo na ako. Ni-ready ko na ang sarili ko, dumapa na ako sa board at sinalubong pa lalo ang malaking alon na iyon.
Mabilis akong tumayo upang gawin ang posisyon ko. Ngunit hindi pa nag tatagal ay nabasag na ang alon na hinintay ko. Hindi ako nito nadala at nailubog ako. Nalasahan ko ang alat ng dagat. Sumakit pa ang aking ilong dahil may kaunting tubig akong nasinghot.
Nang lumitaw ang aking ulo sa dagat ay mabilis kong inihilamos ang aking palad sa aking muka. Hinagilap ko ang board at kumapit ulit doon. Ilang saglit pa akong umubo ubo bago ulit sumakay sa aking board. Hindi ako patitinag at susubukan muling mag hintay.
Ilang beses kong ginawa iyon. Nag hintay at sumabay sa alon. Nang mapagod ay umahon na agad ako. Pagod na pagod ako habang nag lalakad sa buhangin. Pakiramdam ko ay ang bigat bigat ng katawan ko. Tinusok ko ang board sa buhangin at naupo sa tabi no'n habang inaalis ang tali sa paa.
Yumuko ako at tiningnan ang bikini kong kulay asul, ang ilang buhangin ay nakakapit na sa aking dibdib. Pinagpag ko iyon at napalingon sa gawi ng mga magbabarkada kanina.
Nagulat ako nang ang ilan sa kanila ay nakatingin sa gawi ko. Agad akong ginapangan ng hiya at nag iwas ng tingin. Ilang saglit pa nang marealize ko na may pamilyar na muka akong nakita.
Kumunot ang noo ko at unti unting binalik doon sa kanila ang tingin ko. Nanlaki ang mata ko nang isa sa kanila ay si Javier! Walang pang itaas na damit at tanging naka beach short lang.
BINABASA MO ANG
Wavering Heart
RomanceSi Chanel Acosta, ay may lihim na pag tingin sa kapatid ng kanyang bestfriend. Ngunit nang mapansin na sya nito, ay bigla namang may ibang lalaki ang a-agaw ng kanyang atensyon. Paano nya malalaman kung sinong tao, ang para sa kaniya. Kung sino sa d...