Kabanata 21
Pag labas ko ng bahay ay naka ayos na ang mga pagkain doon sa lamesang inaayos kanina ng tatay. May mga naka latag nadin na upuan at may tent na ding silungan para sa mga bisita.
Naisip namin na dito nalang sa labas maghanda dahil mas maluwag dito. Sa loob kasi ng bahay ay masikip, mainit pa.
Nilingon ko si Javier nang makalayo ako, nasa pintuan sya at matalim ang tingin sa akin.
Lumapit ako kay nanay. "Nay, pupunta lang ako sa bayan, ang cake ng tatay nakalimutan natin." Bulong ko kay nanay. Bagyang nanlaki ang kanyang mata.
"Ay! Sige bilisan mo, nako! Sa sobrang aligaga ay nakalimutan natin iyon. Teka at kukuha ako ng pera sa loob, baka padating narin ang mga tiyahin mo." Aniya at akmang papasok pa sa loob ng bahay kaya mabilis ko syang pinigilan.
"Hindi na nay, may pera po ako dito, iyon nalang ang ipang bibili ko. Iyon nalang din ang regalo ko kay tatay." Bulong ko pa at baka marinig kami ni tatay na masiyang kausap ang ilang kumpare nyang kadadating lang.
Napangiti ako. Kahit mahirap talaga kami ay hindi namin hinahayaang malungkot ang birthday ng isa't-isa. Kailangan ganito. Kaya pag dating sa akin ay malungkot sila dahil hindi nila nagagawa ang bahay na ito sa akin. Kaya siguro binilhan padin ako nila nanay ng surfboard.
"Sigurado kaba? Baka wala ka nang natirang allowance sa school nyan?"
Agad akong tumango kay nanay. "Meron nay, sige na alis na ako."
Sigurado ka ah? Maraming salamat, anak. Sige na bumili kana at nang makapag ihip na ang tatay mo." Nagulat ako nang lingunin ni nanay si Javier na ngayon ay lumalakad papalapit sa amin. Napalunok ako." Javier hijo, nako samahan mo na itong si Chanel, ibibili ng cake ang tatay nyo."
Utos ni nanay na syang dahilan ng pag laki ng mata ko. Nakita ko ang nakakalokong ngiti na humuhulma sa muka ng gung-gong.
"Sige nay. Samahan ko po." Sagot ni Javier sa nanay ko kaya muntik na akong masamid. May pinag usapan ba silang hindi ko alam?
"Hindi na nay, kaya kong mag isa."
Sabi ko pa ngunit hindi na pinansin ni nanay ang sagot ko dahil agad nyang dinaluhan ang dumating na kaibigan."Let's go?" Tanong ni Javier sa akin. Nauna syang maglakad patungo sa kotse nya. Napairap ako. Sinimulan ko nang lumakad papunta sa kalsada nang makapag tawag na ng tricycle. Iiwasan ko sya hanggat kaya pa. Hangga't kaya pa ng puso ko. Hindi pa ako lunod kaya, kaya ko pang umahon.
Nagulat ako nang sumunod pala sa akin ang gung-gong.
"Chanel, I want you to answer my question, kung nag seselos ka ba. Pero hindi kita pipilitin. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo."
Hinarap ko sya nang naiinis. " Iyon naman pala, kaya tantanan mo na ako, wag mo akong pilitin. Umuwi kana nga!" Naiirita kong sagot at pinara agad ang tricycle na dumaan. Umalis kana please...
Agad akong pumasok, akala ko ay hindi na sasama si Javier ngunit pumasok din sya sa tricycle. Umusog ako ng kaunti, kahit naka simangot pa din ako.
"Pasensya na kung nagagalit ka. Sa pagkaka alala ko, si Christine lang ang nakausap kong babae kanina. Don't worry, because the whole time I was talking to her ay ikaw ang pinag uusapan namin. I want to know more about you. At natutuwa ako dahil madami akong nalaman."
Nanlaki ang mata ko at nakaramdam ng hiya. Bakit nila ako pinag uusapan? Ano namang sinabi ni Christine sa kanya?
"Pwede mo akong tanungin Javier! Alam mo, hindi kana talaga mag babago, babaero ka talaga. Babaero ka padin. Tantanan mo ako, hindi na magbabago ang desisyon ko, hindi na ako magpapaligaw pa sayo. Umuwi kana!" Sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na alam kung paano pa pag tatakpan ang hiyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Wavering Heart
RomanceSi Chanel Acosta, ay may lihim na pag tingin sa kapatid ng kanyang bestfriend. Ngunit nang mapansin na sya nito, ay bigla namang may ibang lalaki ang a-agaw ng kanyang atensyon. Paano nya malalaman kung sinong tao, ang para sa kaniya. Kung sino sa d...