Kabanata 17

74 10 0
                                    

Kabanata 17

Tahimik kami ni Javier habang byahe. Nangangatog pa ang tuhod ko ngunit hindi ko ipinahalata. Nawala na din ang pagkakalasing ko. Mukang nagising ng husto ang diwa ko sa naganap kanina.

Wala syang imik nang lumabas sa kwarto kanina. Ako na ang nag initiate na magsalita. Pinili kong magpahatid kila Anton sa gabing ito. Mukang delikado kasi kung mananatili ako sa condo ni Javier. Muka din namang alam niya ang gusto kong mangyari at maiwasan.

Mabuti nalang at pumayag syang ihatid ako kila Anton ngayon. Iyon nga lang, kukunin ko lang ang gamit ko sa bahay nila at ihahatid din ako si Javier sa apartment ko.

"Akala ko ba hindi mo ako type? Bakit mo ako hinalikan." Humalukipkip ako para itago ang kabang nararamdaman. Hindi lang talaga ako mapakali hanggat walang nakukuhang sagot sa kanya tungkol sa nangyari kanina. Baka hindi pa ako patulugin nito buong magdamag sa kakaisip. Kaya maganda nang malaman ko agad ngayon, hindi ba?

Humigpit ang hawak nya sa manibela. Huminto sya nang mag red light at tiningnan ako ng matalim.

"Yeah, your not my type. I just got distracted. I'm sorry about that." Aniya at biglang pumungay ang mata.

How disappointing. Teka, bakit ba ako disappointed, diba dapat wala akong pakeelam kung gusto nya ako o, hindi.
"Ang sabi mo wag mag papahalik sa hindi boyfriend!" Naiirita kong bulyaw sa kaniya.

He chuckled. "And you didn't follow what I said. Hindi ba ikaw ang nagsabi na gusto mo din akong halikan." Malumanay ang pagkakasabi nya at napatingin sa aking labi. Kapwa kami nagulat nang may mag busina sa amin. Pareho kaming napatingin sa harap at green light na.

Mabilis na pinatakbo ni Javier ang sasakyan. Natahimik ako.

"Now what? Tell me huh? Bakit gusto mo din akong halikan?" Aniya na parang nang aakit pa. Gusto ko syang sapakin ngayon sa ulo sa pagka irita sa kanya. Ayaw pang manahimik ng isang ito. Sa akin pa tuloy bumalik ang mga sinasabi ko kanina.

"Lasing ako okay? Nag iinit ang pagkatao ko kanina and you take advantage of it."

He smirked "Playing innocent huh?"

My lips parted. The fuck? Ako pa talaga?
"Gago kaba? Bakit naman kita gugustuhing halikan. Hindi din ikaw ang tipo ko for your information! Si Anton ang gusto ko." Singhal ko sa kanya at umirap.

Hindi sya nakapag salita. Well I guess I won?
"Let's just forget about it." Wika ko pa.

"If that's what you want." Tamad nyang sagot pero nananatili ang pagkakunot ng kanyang noo habang diretso ang tingin sa kalsada. I looked at him in disbelief. Talagang wala nga lang sa kanya ang naging halikan namin. Ano pa bang aasahan ko sa bwisit na ito.

Positibo ako, kung hindi nya ako nakita sa bar baka ang dalawang babaeng kasama nya kanina ang naging ka chukchakan nya. Hindi ko alam ngunit biglang umasim ang sikmura ko sa naisip. Masama ko syang tiningnan at umirap sa kawalan.

"Wag kang mag park sa harap ng bahay nila. Lumayo ka ng konti." Utos ko kay Javier nang matanaw na ang malaking bahay nila Anton.

"What! Bakit pa?" I saw him pissed. Pero nag dahan dahan naman na sa pag papatakbo.

"Basta! Mamaya makita kapa ni Anton."

"E, ano naman kung makita nya? Hindi mo pa naman boyfriend iyon hindi ba? And we didn't do anything para matakot ka sa kanya."

I am so pissed right now. Sinamaan ko sya ng tingin.
"We both know that we did something na hindi dapat, nagpapaligaw ako sa taong gusto ko tapos nahalikan mo na ako. Mali iyon Javier." Paliwanag ko sa kanya. Pagod na akong magsalita.

Wavering HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon