Kabanata 13
Nakaupo kami ngayon at kumakain ng pancit. Sobra ang pangangatog ng tuhod ko ngayon. Busy ang isip ko. Hindi din ako gaanong makakain.
Gusto kong makausap si Anton tungkol sa aming dalawa. Nag aalala din ako kay Javier na ngayon ay nasa kwarto ko. Mainit doon. Hindi nya pwedeng buksan ang electrician dahil maririnig sya. Gutom na din 'yon panigurado. Kinagat ko ang labi ko dahil sa mga naiisip ko.
Sa dami nang pinag uusapan naming tatlo ay walang pumapasok masyado sa isip ko.
"Sana maka pasa tayo 'no? Dito na din kaya ako matulog mag review tayong dalawa." Mungkahi ni Shelou pagkatapos uminom ng juice.
Nanlaki ang mata ko at kinabahan bigla. Gusto ko ang sinasabi niya pero huwag naman ngayon!
"Nako wag na. Wala tayong matatapos!" Mabilis kong protesta sa kanya. Tumawa sya. Si Anton ay siryosong nakatingin lang sa akin.
"Bakit ka namumutla? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong nya at lumapit sa akin. Hinawakan nya ang noo ko para tingnan kung may lagnat ako. Napa atras ako ng kaunti dahil doon. Kumunot ang noo niya at tinagilid ang ulo.
"Oo masama nga ang pakiramdam ko, nahihilo pa ako." Pag dadahilan ko para umuwi na sila. Gusto ko pa sana dito si Anton pero hindi na pwedeng mag tagal pa si Javier sa loob ng kwarto ko. Baka mamatay iyon doon.
"Uminom ka ng gamot. Parang gusto kong dito na nga lang din ako at babantayan kita, baka kung mapaano kapa. Mag isa ka pa naman."
Umawang ang bibig ni shelou at nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni Anton.
"Nako hindi na! Matutulog lang ako. Andyan naman sa kabila sila Aling masang. Gusto ko nang magpahinga. Sobra na din ang pagod ko." Sabi ko at nag hikab hikaban.
Nanliit ang mata sa akin ni Shelou.
"Pina aalis na ata tayo nito. Sige na nga gabi na din. Halika na kuya." Aniya at natatawa .
Ayaw pang kumilos ni Anton kaya nginitian ko sya.
"Sige na gagabibin pa kayo sa daan." Sabi ko at tumayo na para ihatid sila sa labas.
"Bye Chanel. Happy Birthday ulit." Bati ni Shelou at nauna nang lumabas ng bahay at tumungo sa sasakyan nila.
Si Anton ay hinarap pa ako sa pinto.
"After ng exam mo, mag date tayo sa Sabado." Aniya at mabilis nyang hinalikan ako sa labi. Nagulat ako at nanlaki ang mata.
Napahawak ako sa labi habang malaki ang ngiti nya.
"Anton. Ano ba tayo?" Tanong ko na nagpakunot ng noo nya."Boyfriend mo ako?" Naguguluhang tanong nya. Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko alam na boyfriend ko siya!
"Ano? Hindi ka pa nga nanliligaw?" Sagot ko sa kanya. Nakaramdam ako ng kaunting pagkadismaya sa kanya dahil doon. Alam kong matagal ko na syang gusto pero medyo na turn off ako sa kanya ngayong araw. Bakit ang bilis. Boyfriend ko sya pero sya lang ang may alam?
"Naghalikan na tayo diba? Pumayag kang makipag date na sa akin. San ba yon pupunta?" Naguguluhang tanong nya at ginulo ang buhok. Pumikit sya at huminga ng malalim. "Okay sige. Manliligaw ako." Malungkot nyang sinabi at nagpa alam nang umalis habang dismayado.
Kumirot ang puso ko dahil doon. Hindi ko maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit hindi ako masaya.
Nanlaki ang mata ko nang maalala si Javier.
Mabilis kong tinakbo si Javier sa kwarto ko. Pag bukas ko ng pinto ay naka upo sya sa kama ko at masama ang tingin sa akin. Pawis na pawis sya at naka topless nalang.
BINABASA MO ANG
Wavering Heart
RomanceSi Chanel Acosta, ay may lihim na pag tingin sa kapatid ng kanyang bestfriend. Ngunit nang mapansin na sya nito, ay bigla namang may ibang lalaki ang a-agaw ng kanyang atensyon. Paano nya malalaman kung sinong tao, ang para sa kaniya. Kung sino sa d...