Kabanata 28

27 1 0
                                    

Kabanata 28

Kinabukasan ay hindi pa ako pumasok para mas lalo pa akong magpahinga at magpagaling. Gusto pa ni Javier na mag stay but I disagree. Masyado ko na siyang naaabala.

It's in the afternoon when someone knock on my door. Hindi yata ako sinunod ng isang iyon? Napairap pa ako sa ere.

"Javier, napaka tigas talaga ng ulo mo!" I said as I opened the door. Pero napalunok ako nang makita ko si Anton.

Muka niyang nag aalala ang bumungad sa akin ngunit nagbago rin agad nang marinig ang sinabi ko.

"Are you, are you expecting him today?" Nag aalangan niyang tanong.

Bakit siya nandito? Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ang tagal na naming hindi nagkita. Aaminin ko namiss ko siya dahil kahit paano ay naging kaibigan ko rin naman siya.

"H-hindi naman. Bakit ka nandito?" Tanong ko at pinasadahan ng tingin ang labas. Baka kasama niya si Shelou.

"Ako lang ang nandito. Nasabi kasi ni Shelou na may sakit ka. Pinapadala niya ito." Aniya at inabot sa akin ang basket na puno ng prutas. Natutuwa akong makita siyang muli.

Kung ibabalik ko lang ang oras, kung tinimbang ko lang ang nararamdaman ko noon, sana hindi ako nagpa dalos dalos para hindi kami umabot sa puntong ito. Nag kaka ilangan at hirap ibalik ang dating pag kakaibigan.

"Hindi kana sana nag abala pa. Pero salamat dito." Nahihiya kong sambit at inabot ang dala niya.

"Hindi ko alam kung papapasukin kita, kakagaling ko lang kasi, baka mahawa ka sa akin." Nag aalangan kong sabi. Hindi na maaatim ng konsensya ko kung pati ang sakit ko makuha niya. Papatayin na talaga ako ng konsensya ko, kung magkataon.

Ngumiti siya ng tipid. "It's alright. I just drop by to check you and to give this to you. Sige na, mauna na ako. Magpagaling ka." Tiningnan niya at saka ngumiti ulit pero hindi iyon umabot sa kaniyang mata.

Tumalikod na siya ngunit hindi kaya ng kunsensya ko kung walang sasabihin.

"Anton." Tawag ko.

Napahinto siya at dahan dahan akong hinarap.

"Hmm?"

"I'm sorry. Nahihiya ako sayo. Ang tagal natin hindi nagkita, hindi pa tayo nakapag usap. Sorry sa lahat."
Hindi ko alam kung sapat ang sorry. Kahit ilang beses ko yatang sabihin ang sorry, hindi noon mababago ang naging kasalanan ko. Nasaktan ko siya.

"It's fine, it's all in the past. Huwag mo nang alalahanin pa iyon."

Natutuwa ako dahil bago siya umalis ay nakahingi ako ulit sa kaniya ng patawad. Parang medyo gumaan ang pakiramdam ko doon.

"Nakabili kana ng damit mo para sa birthday ni Rosita?" Tanong ni Shelou pagkatapos niya akong sunduin sa Natatorium. Medyo basa pa ang buhok ko habang sinusuklay ito ng aking daliri. Katatapos ko lang mag practice.

"Hindi na siguro ako bibili. I still have fine clothes. Ayos na siguro iyon."

"Nakita ko na ang karamihan sa damit mo. Minsan umuulit lang. pahiramin nalang kita, mas marami akong damit sayo." Pag mamalaki niya.

Hindi ko alam kung nang iinsulto siya o gusto niya lang talagang pahiramin ako para mas muka naman akong maayos sa birthday ni Rosita.

"Ano? Pahiramin nalang kita ha!" Pamimilit niya pa.

"Sige bahala ka." Pag suko ko. Tiningnan ko siya at napakunot ang noo.

"Hindi kana madalas nakasalamin ah. Buti nag co-contact lense kana." Puna ko sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wavering HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon