Kabanata 6

92 11 0
                                    

Kabanata 6

Habang mabilis ang takbo ng sasakyan ay dama ko ang hangin na sumasalpok sa muka ko. Wala akong nagawa kundi sumama kay Javier.

Iniisip ko kung anong naging kasalanan ko sa mundo at pinarurusahan ako ng ganito. Bakit ang malas ko today?

"Pwede ba miss Acosta, kahit ngayon lang na birthday ko ngumiti ka naman, feeling ko tuloy napipilitan kalang."

Sabay halakhak nya. Nakuha pa nyang magbiro! Talaga namang napipilitan lang ako.

"Bakit? Pinilit mo lang naman talaga ako diba! Wala ka talagang modo! Dapat kumuha ka nalang ng ibang babae na mapag titripan! Wala naman akong ginawang mali sa'yo!"

Kung hindi ko napigilan ang sarili ko ay baka maiyak pa ako sa inis.

"Malaki ang nagawa mo."

Inirapan ko lang sya sa sinabi nya. Ayoko ngang kausap sya ngayon, ibinaling ko nalang ang tingin ko sa labas at nangalumbaba sa bukas na bintana ng sasakyan niya. Saan naman kaya ako dadalhin ng mokong na ito.

"Chanel gising na, nandito na tayo."

Naramdaman ko na may tumatapik sa pisngi ko, Inaantok na binuksan ko ang mga mata ko. Gabing gabi na. Ilang oras naba akong nakatulog?

Inayos ko na ang sarili ko at bumaba sa sasakyan nya.

"San ba dito ang sa inyo?"

Mabilis akong napatingin sa kanya at nanlaki ang mata. Inilibot ko agad ang paningin ko. Shit!

"Bakit nandito tayo!"

Mabilis ko syang sinugod at kinuwelyuhan.

"Hey! Easy! Relax ka lang nandito tayo para ma relax, gusto kong maging memorable yung birthday ko. Saan naba 'yong sa inyo dito?"

"Nakakainis ka talaga!"

Hiyaw ko sa kanya at sumakay na ulit sa sasakyan. Sya din ay umayos na.

"Diretso mo lang, tapos kaliwa, tapos sa pangalawang kanto ay kanan, pangalawang bahay gawing kaliwa 'yon na 'yong bahay namin."

Tumango tango sya at nag drive na.

"Nanay! Niko?? Tay nandito po ako." Sigaw ko nang makarating kami. Gabi na binibulahaw ko pa sila.

"Sino si Niko?" Tanong ni Javier.

Humarap ako sa kanya, nakataas ang isa nyang kilay at saka binasa at kanyang labi. Ang angas talaga ng loko! Umirap muna ako bago sumagot.

"Bunso kong kapatid, bakit?"

Pag susungit ko sa kanya.
Bumukas ang pinto at gulat na muka ni nanay ang sumalubong sa amin, napalitan ito ng ngiti ng makita ako.

"Oh anak! Buti umuwi ka? Akala ko ba ay nag rereview ka para sa darating nyong exam?"

Tanong nito sa akin, bago ako makasagot ay napatingin si nanay sa kasama ko. Nanlaki bigla ang kanyang mata at ibinalik sa akin ang tingin ng kanyang mga mata na ngayon ay alam kong may makahulugang tingin.

Wavering HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon