Kabanata 26
"Shelou! Nakakainis ka, iniwanan mo ako sa bar!" Bungad ko kay Shelou pagpasok namin sa school.
Nilinga linga ko pa ang mga kaklase namin dahil nahihiya akong marinig nila iyon. But it seemed like they weren't even interested of what we're talking about, because they were also busy with their own gossip.
Maaga pa at wala pa ang professor namin. Ang ibang umpok ng mga kaklase ko ay nagkaka gulo sa bagong mga gamit ni Rosita. Ang kaklase naming mayaman at madaming alipores.
Ang iba naman ay sa tipon ng mga lalaki na nagpa-payabangan sa kani-kanilang nga nobya.
"Pasensya na, Chanel. Bawi ako next time."
"Huwag na, kwento mo nalang sakin bakit ka nawala." Sabi ko at pinanliitan siya ng mata. " Ano iyong emergency na sinasabi mo?"
Ngumiti siya at parang mahihimatay sa kilig. "Nanliligaw na ako kay Ronie! Pumayag na siya."
Napangiwi ako sa isinagot ng kaibigan ko. Did I hear that right?? Si Shelou pa ang nanliligaw? Why does it seem like it's the other way around?
"Hindi ba mali ang sinabi mo? You mean, si Ronie nanliligaw na sayo?" Naguguluhan kong tanong.
"Hindi!" Aniya habang nakangiti parin. "Ako talaga! Ako 'yung nanliligaw. Buti nga pumayag! Pagkakataon ko na ito, beshie!"
"Bakit ikaw ang manliligaw? Sa pagkaka alam ko dapat babae ang nililigawan, Shelou!" Naiinis kong sagot. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko sa kabaliwan ng kaibigan ko.
"Hayaan mo na. Kaysa naman dati, hindi niya ako pinapansin talaga, hindi ba? Mabuti nga ngayon, maipaparamdam ko na talaga kung gaano ko siya kamahal at kagusto."
Hinilot ko ang sintodo ko. "Bahala ka nga." Sagot ko at tiningnan ang pinto kung saan pumapasok na ang professor namin. "Sige na, mamaya na tayo ulit mag usap." Habol ko pa at umayos na ng upo. Pati ang mga kaklase kong nay kaniya- kaniyang ganap sa buhay at nagsibalik narin sa kanilang nga upuan.
Napalingon pa ako kay Rosita, nagulat ako nang nakatingin rin siya sa akin at magtama ang aming mata. She raised her eyebrows at me, kaya agad akong nag iwas ng tingin.
Pagkatapos ng klase ay nagulat ako nang lapitan niya ako. Usually kasi, after class wala naman kaming pakeelam sa isa't-isa. Kami lang madalas si Shelou ang nag uusap at lumalabas na agad kami ng room para mag miryenda o di kaya ay para pumunta sa susunod naming subject kapag kailangan naming lumipat ng room.
"Chanel, Shelou. Birthday ko next month, sana makapunta kayo." Aniya sabay abot ng invitation card. Nagkatinginan kami ni Shelou bago iyon inabot.
"Punta kayo, ha?" Aniya at ngumiti pa ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mata.
"Sige pupunta kami." Sagot ni Shelou na ikinabigla ko. Bakit pati ako pupunta? Hindi naman kami close.
"Alright. See you there!" Masayang sagot ni Rosita.
Napatango ako ngunit labag iyon sa loob ko.
Magtatanong sana ako kung bakit siya pumayag ngunit bigla siyang ngumiti ng malaki at nginunguso pa ang gawi ng pinto kaya napalingon ako roon.
"Hindi yata tayo makakapag sabay ng lunch ngayon?" Shelou chuckled. I bit my lip to hide my excitement when I saw Javier at the door of our class.
Dire-diretso pa ang lakad niya papalapit sa akin. "Tapos na kayo?" Tanong niya sakin at nilingon si Shelou. "Hiramin ko muna si Chanel." He uttered.
"Sige kunin mo na 'yan! Kahit huwag mo ng ibalik!" Sagot ni Shelou at humalakhak pa.
"Pwede naman." Natatawang sagot ni Javier. Kinuha niya ang bag ko at tiningnan ako. Sinukbit niya iyon sa kaniyang balikat.
BINABASA MO ANG
Wavering Heart
RomanceSi Chanel Acosta, ay may lihim na pag tingin sa kapatid ng kanyang bestfriend. Ngunit nang mapansin na sya nito, ay bigla namang may ibang lalaki ang a-agaw ng kanyang atensyon. Paano nya malalaman kung sinong tao, ang para sa kaniya. Kung sino sa d...