Kabanata 2

149 10 0
                                    

Kabanata 2

"Hey besha late ka! Anong nangyari sayo?"

Agad na puna ng kaibigan kong si Shelou. Hinihingal pa ako ng maupo sa aking upuan, nakakunot ang tingin sa akin ni Mrs Tolentino. Ayaw niya ng nala-late sa klase niya. Pero dahil, ito ang unang beses kong nalate kaya siguro hindi na niya ako pinagalitan. Mabuti naman!

"Huy! Anong nangyari bakit ka sabi late?" Bulong na tanong ulit nya, talagang hindi ako tatantanan hanggat hindi ko siya nabibigyan ng sagot.

Si Shelou ay nakilala ko nang lumipat ako dito sa Manila. Classmate ko sya simula first year college pa at hanggang ngayon. Sya ang nakagaanan ko ng loob noong unang pasok ko dito sa College.

Ang kulit kulit nya kasi. Sa totoo lang, ayoko talagang magkaroon ng kaibigan. Gusto kong mag focus lang sa pag aaral. Pag may kumakausap sa akin noon ay hindi ko pinapansin.

Nandito ako para mag aral. Iyon ang lagi kong pinapa alala sa isip ko. At pandagdag isipin pa kapag may kaibigan ka. Aayain ka kung saan-saan, makakalimutan mo nang gumawa ng mga projects, assignments at kung ano ano pa. Minsan sila pa yung nambubugaw sayo sa mga bagay na ayaw mo naman gawin, o sa mga hindi magandang gawain.

But she's different. Mahilig syang mag aral at, active sya sa mga activities sa school, pero ang maganda sa kanya napag sasabay-sabay nya ang mga gawain sa school, sa bahay, kaibigan at sa labas ng paaralan.

Isa pa, mahirap s'yang iwasan dahil sobrang kulit niya noon at ayaw nya talaga kong tantanan. She just keeps talking to me, asking if ai want her to become my friend. Para bang wala syang kapaguran.

Nahati ulit ang desisyon ko doon. Nahirapan ako sa totoo lang. Kung makikipag kaibigan ba ako, o pananatiliin kong mag isa lang ako.

Hanggang sa hindi ko nalang nalamayan, kasakasama ko na sya at tinawag ko nadin sya sa kung ano mang bestfriend nickname na nagawa nya. Nagkaroon naman ako ng mga kaibigan sa Baler, pero mas binigyan ko noon ng time ang sports ko at ang pag aaral. Busy ako palagi kaya siguro nag sawa sila sa akin.

Nakakunot nyang inilapit ang muka sa akin, naghihintay parin ng sagot sa tanong niya. Bumagay sa kaniya ang buhok nyang hanggang balikat lang at natural na kulay itim.

Matangos ang kanyang ilong at mahahaba ang kanyang pilik mata, manipis na labi at ayos na mga kilay. Ngunit nakasalamin sya dahil sa hilig sa pag babasa at pagtutok sa computer, kaya siguro mabilis itong lumabo. Mas malaman rin sya sa akin at mas malaki ang hinarapan niya kumpara sa dibdib ko, bagay na kinaiinggitan ko. Sexy sya samantalang ako, payat lang.

"May nakabangga ako sa labas. Nakita na niyang pa daan ako ay binangga pa ako!" Pag susumbong ko sa kanya habang nilalagay ang gamit ko sa likod ng aking upuan.

"Bakit? Inano ka? Tara resbakan natin!" nakakunot nyang bulong sa akin.

"Shhhh hayaan mo na. Busy ako, mas uunahin ko pang mag aral kaysa d'yan."

"Ayan nanaman si aral. Well anyway, birthday ni Kuya today. Pupunta kaba sa bahay?"

Tumango ako sa kanya, kumalabog ang puso ko dahil sa pag banggit niya sa kanyang kuya.
Kahit lagi akong inaasar ni Anton ay nasanay nadin ako, at lalo ko pa syang nagustuhan, madalas din ako sa kanila kaya napalapit nadin ang loob ko sa mga magulang nila.

Kinuha ko ang ballpen at notebook ko sa bag para sana mag note ng sinasabi ni Maam Tolentino.

"Sa amin kana dumiretso ha para sabay na tayo."

Sasagot pa sana ako ngunit biglang lumapit sa amin si Ma'am.

"Miss Acosta and Miss Pangilinan, mind if you both share kung anong mas importante pa sa subject ko na pinag uusapan nyo?"

Wavering HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon