Kabanata 19

86 9 0
                                    

Kabanata 19

Nalaglag ang panga ko sa pag amin nya. Hinihingal pa sya pagkatapos banggit ang salitang muntik ko nang hindi maintindihan.

"A-ano?" Ulit ko dahil para akong nabingi. Hindi maproseso ng utak ko ang nangyayari. Nakakaramdam ako ng takot at kaba, kaya't unti unti akong lumayo sa kanya. Tatlong hakbang na mabagal ang aking nagawa.

"Kung hindi mo naiintindihan ay uulitin ko. Gusto kita Chanel, gustong gusto kita! Mahal kita, malinaw naba sa 'yo?" Nag susumamo ang kanyang boses at lumapit ulit sa akin. Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa oras na ito. Is this a frank? Putcha hindi nakakatawa!

Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa aking dibdib , dahil sa sobrang lakas ng kalabog nito. Ngunit may parte doon na nag didiwang. Masaya sa narinig.
Ngunit natatakot.

Napatingin ako sa aking kanang braso nang hawakan nya iyon. Nanginginig ang kanyang mga mata nang titigan nya ako. He lick his lower lip tapos ay hinawakan ng isa nyang kamay ang aking pisngi.

"You're still single right?" Napaaos nyang tanong.
Napaawang ang aking bibig. Hindi ako nakasagot.

"Baby?" Sambit nya. Hinihintay akong magsalita.

"Huh? Hmm, oo s-single pa." Nanginginig kong sagot sa kanya.

Napangiti sya ng malaki at nagulat ako nang yakapin nya ako. Nanlaki ang mata ko at parang natauhan. Mabilis ko syang tinulak.

"Ay e teka! Ako single pero ikaw hindi! Kaya tantanan mo ako. Hindi ako matutulad sa mga babaeng umaaligid sayo. Hindi ako mag papauto sa mga matatamis mong salita! Babaero ka! Ang dami dami mong babae!" Dire-diretso kong sagot sa kanya.

"What!?" Hindi nya makapaniwalang tanong at kumunot ang kanyang noo.

"Hindi...ako...maniniwala sayo!" Singhal ko sa kanya ng mabagal. Nang maintindihan nya. Tatalikuran ko na sana sya ngunit agad nya akong hinila ulit.

"No! It's true! Chanel naman, ang tagal kong kinimkim at hindi sinabi sayo, tapos ganito? Hindi ka lang maniniwala? Anong gusto mo? Tell me, lahat gagawin ko maniwala ka lang." Nag susumamo ang kanyang boses.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Bumaba ang kamay nya, mula sa braso ko hanggang sa aking mga palad. Lumipad agad ang tingin ko doon. Nanghihina. Gusto ko itong ginawa nya sa akin. Pero natatakot ako. Gusto kong lumakad palayo. Nahahati ang isip ko at hindi ko alam kung ano nang susunod na gagawin.

"Baby look at me." Namaos ang kanyang boses. Napaawang ang aking bibig dahil sa paraan ng kanyang pag tawag sa akin.

Tumingin ako sa kanya ng matalim para maitago ang nararamdaman kong kaba.

"Tell me, anong gusto mong gawin ko? Galit kaba? Nagselos kaba kanina."

"Hindi ako nag seselos no! Bakit ako mag seselos, hindi naman kita gusto."

He groaned, napapikit ng madiin at nag mura ng malutong. Pag dilat nang kanyang mga mata ay nahuli nya agad ang tingin ko.

"Pero sino sa mga babaeng nakasama ko ang sinasabi mong mga babae ko?"

Napaisip ako. "Si Sheril sa 7/11, tapos si Loreane, tapos yung dalawang babae sa bar. At saka, kung sino sino pa!" Bulyaw ko sa kanya. Muling namuo sa akin ang pagkairita ko sa kanya nang maalala ang mga babaeng iyon at ang senaryo na kasama nila si Javier. Napaiwas ako agad ng tingin sa kanya matapos ko syang irapan.

Lumaki ang ngiti ni Javier na ikinairita ko lalo.
"Come here." Aniya.

Huminga ng malalim si Javier. Hinila nya ako lalo sa kanya. Hinawakan nya ang aking baba, tinaas nya ang aking muka at hinanap ang aking mga mata.

Wavering HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon