Kabanata 22
"Chanel, surprise!" hiyaw ni Shelou nang makapasok ako sa bahay. Hindi ko makuhang ngumiti ng tama dahil sa kabang nararamdaman. Napatingin ako kay Anton na malaki rin ang pagkakangiti.
"I miss you." Aniya at niyakap ako. Nanigas ako at hindi alam kung paano ba sila haharapin ngayon. Huminga ako ng malalim at saka ngumiti ng pilit sa kaniya.
"Buti nahanap nyo 'tong bahay namin?" Tanong ko pagkatapos bumitaw ng yakap. Pilit na itinatago ang kabang nararamdaman.
Nakita ko sa gilid ang pag ngisi ng kapatid ko. Mukang kadadating niya lang rin.
"Si Niko, in-add ko sa social nya. Gusto ka kasi naming kamustahin rito, saka nangako kang ipapasyal mo kami diba. Na surprise kaba beshie?" ani Shelou at pumalakpak pa.
"Manliligaw mo rin ba ito anak?" Singit ni nanay, na s'yang dahilan nang pag laki ng aking mata. Mabilis na kumakalabog ang puso ko nang balingan ko si Anton. Nakakunot ang kaniyang noo, bakas ang pagtataka.
Nanginig ang labi ko at hindi ko nagawang makapag salita.
"May nanliligaw sayong iba, Chanel?" Si Shelou ang nag tanong. Biglang napatakip ng bibig si nanay.
"Ay! Madaming bisita sa labas, doon muna ako anak. Pakainin mo na ang mga bisita mo." Biglang sagot ni nanay habang patawa-tawa pa.
Lakad takbo ang ginawa ni nanay nang lumabas siya ng bahay. Pumito pito si Niko at inaya narin lumabas ng bahay si Catherine."M-mga nag paparamdam lang." kinakabahan kong sagot.
"Lagot ka kuya, madami ka palang kaagaw." ani Shelou at tumawa pa. Kinabahan ako lalo.
"Kailangan na pala kitang bakuran kung gano'n? Hindi na bale, ang mahalaga alam kong ako ang gusto ni Chanel. Hindi ba, Chanel?" Matigas na sabi ni Anton. Halata ang pagkairita sa kaniyang muka.
Shit! Paano ko ba lulusutan ito?
Humagalpak ng tawa si Shelou at pinalo sa balikat ang kuya niya.
"Masyado ka namang possessive kuya! Baka matakot si Chanel n'yan, mabasted kapa! Halika na nga kumain na tayo, gutom na gutom na ako!" Wika ni Shelou.
Nakahinga ako ng maluwag nang hilahin nya ako at tumungo kami sa labas. Ikinuha ko agad siya ng plato. Sa likod namin ay ramdam ko ang matalim na tingin sa akin ni Anton.
"Hayaan mo yang kapatid ko. Takot lang na baka maagaw ka ng iba." Bulong ni Shelou sa akin. Napangiwi ako. Sa di kalayuan ay tinanaw ko ang sasakyan ni Javier na nakaparada. Hindi siya kita sa loob dahil tinted ang kaniyang sasakyan. I wonder, anong nasa isip niya ngayon? Nag sisimula palang kami pero magulo na ang lahat.
'K-kain na Anton," wika ko at inabutan narin siya ng plato.
"Mag uusap tayo mamaya," matigas na sabi n'ya sa 'kin. Nanuyo ang lalamunan ko.
Pwede ko na ba s'yang bastedin mamaya kung mag uusap kami? Nasasaktan ako sa nangyari sa aming dalawa. I feel so guilty. I'm in a big mess right now. Napaasa ko ang kapatid ng bestfriend ko.
Tinitigan ko siya ngayon at tininbang ang nararamdaman ko. Lalo akong nainis sa sarili ko dahil hindi ko siya kayang tingnan katulad ng pagtingin ko kay Javier. Nakaramdam ako ng sakit dahil sa aming dalawa ni Anton. Bakit kami humantong sa ganito. Bakit ako naging ganito.
"S-sige," nangangatal kong sagot sa kaniya.
Buong akala ko pagmamahal na ang nararamdaman ko para kay Anton. Ngayon ko napatunayan na paghanga lang pala ito. Gusto kong maiyak habang pinapanood siyang kumakain. Nasasaktan ako para sa kaniya. Kapag nalaman niya ang lahat. Kapag sinabi ko ang totoo.
BINABASA MO ANG
Wavering Heart
Lãng mạnSi Chanel Acosta, ay may lihim na pag tingin sa kapatid ng kanyang bestfriend. Ngunit nang mapansin na sya nito, ay bigla namang may ibang lalaki ang a-agaw ng kanyang atensyon. Paano nya malalaman kung sinong tao, ang para sa kaniya. Kung sino sa d...