Kabanata 3
Napuyat ako sa kakaisip kung sino ba ang walang pakundangan na nag tetxt sa akin.
Daig ko ba ang Zombie nang bumangon sa higaan.
Mabilis akong naligo at hindi na nag umagahan dahil alam kong malelate na ako sa unang subject ko.
Pag bukas ko nang pinto ay naabutan ko pa si Aling Masang na nag didilig ng kanyang halaman. Si aling Masang ang may ari nitong Room for rent na tinutuluyan ko. Nakita ko pa si Martha na kanyang anak habang nag tatanggal ng buhok sa kili-kili. Nakaupo sa papag na malapit sa halamanan ni aling Masang.
Maganda din si Martha ngunit may pagka palengkera pero mabait naman iyan kung mabait ka sa kanya o kung magugustuhan niya ang ugali mo. Nag iisa lang syang anak at nasa ibang bansa si kuya Jun ang kanyang ama.
"Oh Chanel, nako late kana ah,"
Bungad sa akin ni Martha matapos itigil ang kanyang ginagawa at lumingon sa akin.
"Oo e, napuyat ako kagabi, Birthday ni Anton." Pag amin ko.
Namula ang muka ko sa pagkakasabi ng pangalan ni Anton. Tumingin si aling Masang sakin na tila sinusuri ang itsura ko, napangising aso naman si Martha, kaya mabilis na akonb nag paalam sa kanila para pumasok.
Pag dating sa eskwelahan ay saktong nag ring ang bell kaya tinakbo ko na ang corridor ng school namin dahil lagot nanaman ako.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang narating ko na ang room namin at wala pa yung teacher naming masungit. Tumabi agad ako kay Shelou na tawa ng tawa.
"Bat ganyan itsura mo?"
Bungad nya sakin sabay lahad ng salamin. Pinapakita sa akin kung anong itsura ko.
"Bakit?" Tanong ko at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Gulo gulo ang kulot kong buhok.
Mabilis kong kinuha ang suklay sa bag ko at inayos ito. Sakto naman na dumating na ang teacher namin at saka ako umayos ng upo.
"So hindi mo kilala kung sino iyan?"
Tanong ni Shelou sa akin habang nandito kami sa Cafeteria at kumakain ng lunch. Kinuwento ko sa kaniya ang lahat at hindi sya tiwala na mapag kakatiwalaan ang kung sino mang tao ang nag text sakin na napulot 'yung wallet ko.
"Samahan mo nalang kaya ako?"
Sabi ko sa kanya at ngumuso. Nakakakaba naman kung biglang sasabihin ng tao yung tungkol sa love letter ko. Siguradong kukulitin lang ako ni Shelu about doon. Siguro dapat wag nalang pala akong magpasama.
"Ay wag nalang pala, ako nalang baka mapano ka pa, mabuti pa, kapag nandoon na ako ay mag tetxt ako sayo tapos mag bilang ka ng 10mins. At kapag hindi ako nakapag txt ulit tumawag kana ng pulis."
Kumunot ang noo niya ngunit sumang ayon din sa akin bandang huli. Natapos ang lunch namin at nagpasya na kaming bumalik sa room. Habang nag lalakad kami ay may nakasalubong kaming grupo na maingay.
Mga babaing mukang fan girls, at dalawang lalaki na pamilyar sa akin.
Nanliit ang mata ko at inaalala kung sino ba yung dalawa na iyon, ang isa sa kanila ay napukaw ang kinaroroonan ko. Matalim niya akong tinitigan. Ang kanyang pagtitig ay parang nakikita ang buo kong pagkatao, pakiramdam ko ay hinahatak ako nito palapit sa kanya. Ako na ang unang nag bitaw ng tingin dahil pakiramdam ko ay tuluyan nang mawawala ang kaluluwa ko sa aking katawan pag nanatili pa akong nakatingin sa kanya.
Pag bitiw ko ng tingin ay saka ko naalala na siya ang nakabangga ko kahapon ng umaga.
"Sino ba ang mga iyon?"
BINABASA MO ANG
Wavering Heart
RomanceSi Chanel Acosta, ay may lihim na pag tingin sa kapatid ng kanyang bestfriend. Ngunit nang mapansin na sya nito, ay bigla namang may ibang lalaki ang a-agaw ng kanyang atensyon. Paano nya malalaman kung sinong tao, ang para sa kaniya. Kung sino sa d...