Kabanata 1

340 13 3
                                    

Kanabata 1

Inangat ko ang aking muka at pumikit. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa mga balat ko at hinayaan kong guluhin nito ang buhok kong nakalugay at medyo kulot.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng dagat at pinakikinggan ang bawat pag hampas ng alon. I really liked the sounds coming from the waves, it's like music to my ears.

This where I grew up, near in the ocean.
Kasama si tatay na isang mangingisda at si nanay naman ay nagtitinda sa palengke, at syempre ang kapatid kong si Niko na mas bata sa akin.

Mahilig din akong mag surf dito sa baler, kung saan maraming surfer ang dumadayo dahil sa lakas ng alon.
Minsan pakiramdam ko, kapag nasa tubig na ako ay ayaw ko nang umahon pa. Gusto ko nalang na manatili doon. Ngunit kapag ganito namang nasa lupa ako, gusto ko lang na tanawin iyong dagat. Ayokong lumapit at gusto ko lang s'yang panoorin at pakinggan. Katulad ng ginagawa ko ngayon.

Madalas talaga ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Madalas mahati ang isip ko. Nahihirapan akong mamili madalas.

Nilingon ko ang aking paa na walang suot na tsinelas. Gustong gusto ko ang pakiramdam ng buhangin sa aking mga paa. Humangin ulit ng malakas at napapikit ako ng humampas pa sa aking muka ang sariling buhok. Hinawi ko iyon at saka lumakad.

Bawat hampas ng alon ay sinasabayan ng malalakas na halakhak ng mga kabataang nanonood sa nag papractice mag surf sa dagat. Tuwang tuwa sila kapag padating na ang malaking alon. May tatlong surfer doon sa di kalayuan na nag hihintay ng alon na mag dadala sa kanila sa pampang.

I know that feeling, iyong saya kapag sa wakas ay naka sabay ka sa alon na matagal mo nang hinihintay. Sa alon na bubuhat sayo para makabalik.

Kailangan nga lang talaga ng tiyaga. Kailangan mong malaman kung iyon naba ang alon na para sa iyo. Kung iyon na nga sa wakas ang hinihintay mo.

Kung hindi kasi ay ilulubog ka lang nito. Meron kasing alon na akala mo lang malaki, ngunit mabilis mawasak. Hindi ka nya madadala, bagkus ay lalamunin ka lang.

"Chanel anak! Andito kalang pala kung saan-saan kita hinahanap! Kakain na halika na!"Tawag ni nanay sa akin kaya mabilis ko s'yang nilingon.

"Andyan na po nay!" Hiyaw ko pabalik.

Nilingon ko muna saglit ang mga kabataan na pinapanood ko, bago mabilis na tumakbo papalapit kay nanay. Nang makalapit ay inakbayan nya ako at ginulo pa lalo ang buhok kong kanina pa nang lalagkit at magulong magulo.

Sumimangot ako habang pilit inaayos ang buhok ko.

"Nandyan ka nanaman, gusto mo bang mag surf ulit?" Tanong ni nanay.

"Gusto po, kaso nasira ni Niko ang board ko. Bibili nalang ako ulit kapag sumahod na ako sa part time ko. Saka gusto ko lang ngayon panoorin sila at ang dagat. Namiss ko din kasi. Wala kasing ganyan sa manila. Meron sila doon yung sa likod ng Moa na malaking mall kaso hindi katulad dito. Ibang-iba to kesa doon"

Pag susumbong ko sa kanya.

"Okay lang 'yan anak. Hindi ka naman nag punta ng Manila para sa dagat nila, andun ka para mag aral ng mabuti at makapag tapos. Aba anak, dalawang taon nalang at makaka graduate kana ng college! Biruin mo 3rd year college kana! Hay nako nakaka proud ang anak ko. Wag mo nang gastusin ang perang makukuha mo para sa board. Kapag maganda ang kita ipag iipon nalang kita."

Napangiti ako sa sinabi ni nanay. Sa totoo lang ay wala kaming pambayad ng tuition para sa kinukuha kong BSBA. Buti nalang at noong 4th year high school ay naging champion ako sa isang swimming competition. Tinagurian akong Mermaid of the Ocean. Doon ay may nag offer sa'kin na school for college scholar.

Wavering HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon