Four

7 1 1
                                    

Zeke's POV

"Zeke ano? Di ka talaga papasok?" inis na tawag sa akin ni Kiara. Hindi ko ito pinansin at nagkabit nalang ng earphone at pinagpatuloy ang pagbabasa ko ng libro sa loob ng aking kwarto. Tinatamad ako pumasok, ts kayang kaya ko rin naman habulin yung mga lesson, syaka halos wala namang ginagawa sa school ngayon dahil intrams na rin. Taka kong tinignan si Kiara ng marahas nya itong tanggalin at nakapamewang na humarap sa akin.

"College ka, Zeke. Hindi ka elementary, isang absent mo lang delikado na buhay mo. Ano bang ginagawa mo?" wika nya.

Tumayo na ako at pumunta sa cabinet ko upang kunin ang isang piraso ng papel. Excuse letter ko iyon. "Oh, bigay mo sa prof ko." saad ko at inagaw na sakanya ang earphone ko. "May sakit? May sakit ka? Pati eto ginagawa mo ng kasinungalingan, tatlong araw ka ng absent, Zeke."

Ugh bakit ba ang ingay ingay nya, hindi nalang sya pumasok. Tignan mo nga at malelate na sya. "What will you do if mommy find out this?" napatingin naman ako sakanya. Yep, I will be in a big trouble but that's not what important now. I need some rest. "I have my excuse." sagot ko na lamang. Inis itong bumuntong hininga at umalis. Pft, hindi ko rin alam nangyayare. Isang taon na mula nung umamin ako sakanya at tinanggap nya ko bilang kaibigan kahit alam nyang may gusto ako sakanya. Sa loob rin ng isang taon ay araw araw nya na sinasabi na hindi nya ko gusto. Ewan ko bakit ngayon ko lang naramdaman yung gantong sakit. This is weird.
____________

Third Person's POV

Nagaantay si Lorie ngayon sa cafeteria para sabay sabay silang magbreakfast. Habang nag-aantay ay nagcecellphone ito, nagscroll sa kanyang fb.

"Woah" saad nya ng makita ang pic ni Shaira na dumaan sa news feed nya. Nakauniporme ito na katabi lang ng school nila. "She's really here."

"Bolaga!" nagulat ito ng dumating na si Maddi, nakasunod dito si Kiara na dala ay dalawang tray. Tinago na nya ang cp nya at kinausap na sila Kiara. Sa gitna ng paguusap ay dumating na si Jake.

"Sorry Sorry, tagal matapos ng laban e" saad nito pagkaupo. "Mauubos yung oras kakaantay sayo" mataray na wika ni Kiara. Napailing na lamang sila sa katarayan ni Kiara, nagsimula na ngang kumain si Jake nang tampalin ni Maddi ang kamay nito.

"Wala pa nga si Zeke e" pagrereklamo nito. Nagpout naman na parang bata si Jake. "Kain na tayo, absent parin si Zeke." sagot ni Kiara at nagsimula na ngang kumain. Tinignan ni Jake ang pagkain at bahagyang napaisip. "Ts, may balak pa ba sya pumasok." bulong nito sa sarili nya.




Nasa terrace nakatambay ang mga barkada ni Jake, naisipan kase nila magskip ng time dahil ayaw talaga nila sa professor nila sa subject na iyon. Naglalayo ng sipa ang ibang barkada habang si Jake at Leo ay naguusap sa gilid.

"May gusto sayo si Zeke?" gulat na tanong nito k.ay Jake. Agad naman sya nitong binatukan. "Lakasan mo pa" inis na saad nito. Nagbato ito ng papel mula sa terrace. "Gay si Zeke?" bulong ni Leo, saglit naman syang tinignan ni Jake at syaka tumango.

"Gago weh? Ang masculine nya kaya-"

"Ano bang akala mo sa gay, maraming type of gay. Masculine gay sya." sagot ni Jake. Dahan dahan namang tumango si Leo na wari ay iniitindi ito.

"Eh pano yan? Di ka naman gay?" tanong ni Leo. Nanatili lamang tahimik si Jake. Iniisip ang pwedeng gawin nang hindi nakakapanakit.

"Pero looking at the bright side, tol si Zeke na yan oh, kita mo ba ang pogi pogi nya- sabi ko nga tatahimik na ko" wika ni Leo dahil tinignan sya ni Jake ng masama.

Everything He Never Told Me (JMNSDC #2)Where stories live. Discover now