Nine

8 2 3
                                    

Zeke's POV

Bumaba na ako ng van at dumiretso na sa avr. Pagkabukas ko nga ay kita kong andito sila Madd at Kiara

"Oh sakto nandito ka na, bukas na ung intrams make sure mo na may booth ung section nyo ha" wika ni Kiara sa akin. Tumango naman ako at umupo na upang magreview. Sila naman ay naguusap.

"AAAAA ang inet" tinignan ko nga at si Lorie ito. Dumiretso ito sa tabi ko at nilabas ang mga kolorete nya sa mukha. "San ka galing?" tanong ni Kiara. Ngumiti lang ito at hindi na sumagot, bumaling si Lorie sa akin.

"Kamusta kayo?" bulong nya sakin, nagulat pa nga ako kaya medyo nasiko ko ito dahil baka marinig nila Ara. "Ung booth nyo ang tinatanong ko." dagdag nya.

"Balak lang namin magtinda, para lang meron, andami na naming ginagawa." sagot ko habang nagbabasa. Bukod sa intrams ay palapit na rin ang finals, malapit na ang graduation. Tumahimik naman na dito dahil kanya kanya narin kami ng ginagawa nang may tumawag kay Lorie.

"Hello? Shai?" napatingin ako sakanya. Actually lahat kami nagaantay kami sa susunod na sasabihin nito. "Ahh, okay. Sige pupunta ako." wika nya at pinatay na ang call.

"Ano daw yon? May problema ba? Tungkol ba kay Jake yan?" tanong ko. Umiling ito at nagsimula nang ligpitin ang gamit nya. "Oo, pero wala ka dapat ipagalala. Dyan lang kayo ako na bahala" saad nya at tinapik ang balikat ko bago pumunta sa pintuan.

"Pero Lorie ung reporting naten—"

"Kaya na ng gf mo yan!" tuluyan na nga itong lumabas, nagkatinginan silang dalawa kaya natawa nalang ako. Hay nako, sana nga ay maayos na yung kay Jake.

Maya maya lang ay tumunog na ang cp ko.

From: Jake Baby

Pumunta ka nga dito, ang gugulo nila dito nagaaway sa booth.

That's his first message. I'm so happy! Dali dali kong inayos ang mga libro ko at nagmadaling lumabas.

"Woi Zeke—"

Malayo palang ako sa pinto ng room nila ay rinig na rinig ko ang sigawan at ingay nila. Ts, puro lalake kase sa kanila at bilang lang sa daliri ang mga babae. Nagulat nga ako at nabangga pako ng ilang lalakeng tumakbo papasok sa room nila.

"Photobooth na walang nagphotobooth sa ibang section!"

Napailing nalang ako. May budget ba sila don? Hinanap ko si Jake sa loob ng classroom nya.
_______________

Jake's POV

"Tangina di talaga kayo titigil?!" sigaw ko pero parang wala lang silang narinig. Gusto kase ng iba ay Jailing booth ang ilagay para daw romantic ang iba naman ay nacocornyhan at gustong magQ&A booth lang para atleast daw ay unique kami.

"Wag na magbooth" saad ni Leo. Naiirita pa rin ako sa ingay kaya pinagtutulak ko na sila pero di parin sila nagpapatalo.

"Uy si Zeke yon?" rinig kong wika ni Leo, nang tignan ko ay nasa harap na nga ng pinto si Zeke at tila ay naghahanap. Agad akong umupo ako at niyuko ang ulo ko.

"Jake, what happened? Are you okay?" inangat ko ang ulo ko, nasa harap ko na si Zeke. Sumimangot lang ako at nginuso sakanya ang nagkakagulong mga kaklase ko. Nagulat nga ako ng itap nya ang ulo ko at pumunta sya sa harap.

"Ehem, I would like to have your attention for a minute. Wala kasing mangyayare kung magaaway away kayo no? Uhm, idaan nalang natin sa botohan" Tumahimik nga ang mga kaklase ko at talagang nakinig kay Zeke. Di ko maiwasang mapatingin kay Zeke dahil nga sa kakayahan nitong mamuno talaga at sa galing nito sa public speaking.

Everything He Never Told Me (JMNSDC #2)Where stories live. Discover now