Leo's POV
Pinitik ko na nga ng panyo etong si Mark dahil kakapasok palang namin sa gate ay nakikiasusyo na sya sa ingay.
Anong maingay?
Usap-usapan lang naman sa hallway pati na rin sa buong team ang story ni Jake na pic nilang dalawa ni Zeke sa isang rainbow highway.
Napailing nalang ako at iniwan na si Mark dun dahil chix lang naman ang habol nya roon. Oo nga pala, hiniwalayan nako ng babaeng siniseryoso ko.
Uy single na ko, makapagbar nga mamaya.
"Uy Leo, kita mo story ni Jake?" tinarayan ko nalang si Migo. Hindi ko na ito sinagot dahil alam komg magtatanong pa ito, eh ano bang alam ko?
"Posible kayang sila?" tanong nya pa kaya inis ko na itong hinarap. "Eh ano naman?" mataray na tanong ko sakanya.
"Imposible eh, magkaaway sila diba?" tanong nya pa ulit. Nilapitan ko ito.
"Ikaw ba? Pano mo naisip na hindi magkaaway nanay at tatay bago maging sila?" sarkastikong tanong ko rito, kumunot naman ang noo nito.
"Wala ka nga palang tatay"
Nagbibihis na ko ng jersey ko nang dumating si Jake, kaya agad ko syang binato ng tissue.
"Ginagawa mo, kalat na kaya sa buong school story mo" saad ko sakanya ngunit nilalaro nya lang ang i.d nya.
"Na ano?" kalmadong tanong nito habang lumalapit sa akin.
"Story mo-teka, di ka maglalaro?" tanong ko sakanya. Umiling naman ito at kinuha ang cp. Pinakita ang text sakanya ni Zeke.
From: My annoying Zeke
Aaa many works to do, wanna recharge. Meet me at the avr.
"Ano gagawin ko dyan?" tanong ko sakanya, nagsmirk lang ito na napakayabang, napailing na nga lamang ako.
"Galingan mo. Nga pala yung sa story, I just wanna show off my boyfriend" saad nya sabay kindat at umalis na muli.
Tignan mo yon, napakayabang.
Napangiti nga ako, almost 5 years na rn kaming magkaibigan ni Jake at never syang nagkaroon ng seryosong rs. Kaya nga medyo nagulat din ako noong sinabi nya yung kay Zeke. Pero masaya ako na si Zeke ang nakapagpabago sakanya, di na sya playboy pft.
"Bounce boom!" irita na nga ako sa hiyawan netong mga kateam ko kaya nagmadali na rin aong ayusin ang sintas ko dahil pasok na rin ng class namin. Pagtapo ko magpalit ng uniporme ay tumuloy na ako sa room at doon ko nakita si Jake na nakabusangot.
"Woy! Practice daw sabado, nyare sayo?" pukaw ko sa atensyon nya. Inis nya akong tinignan at nginuso iyong nasa harap namin na si Kino.
"Bakit?" bulong ko sakanya. Susugod nga ito ngunit pinigilan ko at pinaupo ko ulit.
"Baliw ka ba?"
"Nagpapic sya kay Zeke kanina" kumunot naman ang noo ko. "Nanghingi pa sya ng notes sa economics kay Zeke kanina eh architecture si Zeke!" wika nya at susugod muli kaya muli ko syang pinaupo.
"Nagpapansin sya sa boyfriend ko" natawa na nga lamang ako at tinapik ang balikat nya.
"Leo!"
"Oo na oo na pagsasabihan ko" saad ko, tumaray lang ito. Bumuntong hininga nga muna ako bago ko tignan si Jake at ilipat ang tingin kay Kino na tahimik na nakaupo sa harap namin.