Eighteen

2 1 5
                                    

Jake's POV

We woke up a while ago at naiinis ako dahil nasa table si Zeke at may inaasikaso sa laptop nya. Walang pasok ngayon, wala rin sila mommy sa lunes pa ata uwi nila galing sa Antipolo.

"Zeke" tawag ko rito ngunit patuloy parin ito sa kung ano mang ginagawa nya sa laptop. Tumayo at dahan dahang lumapit sakanya. Hinalikan ko ang pisngi nito, alam kong titingin ito sa akin. Pero hindi, hindi nya ito pinansin. Sumingit ako sa dalawang kamay nyang nasa keyboard.

Nakatayo nako sa harap nya at nahaharangan na ang laptop ngunit huminto lang sya at di parin ako tinitignan. Umupo ako hita nya at laking taka ko nang inusog nyako kaya wala akong choice kundi mapatayo at mapaatras.

"Zeke!" pagmamaktol ko. Hinawakan ko ang mukhanya at iniharap sa akin, at inabot ang mga labi nito ngunit hindi ito tumutugon sa halik ko. Tikom lang ang labi nya na tila ba ay di ako pinapahalik sa labi nya. Nainis nako kaya bahagya kong sinipa ang upuan nya.

"Ano ba!" mahinang sigaw ko dahil inis na inis na talaga ako. Kanina pa simula paggising ay hindi nya na ako pinapansin. Paggising ko ay kalalabas nya lang ng cr dahil naligo sya tapos hindi nyaman lang ako hinalikan, dumiretso sya agad dyan.

"Sisigaw ako pag di mo pako pinansin—"

"So you're not shouting now?" kumunot ang noo ko. Lumuhod ako sa harap nya upang mapantayan ang height nya mula sa pagkakaupo.

"Kase you're ignoring me" wika ko at nagpout, inusog nya lang ang kamay ko at nagpatuloy muli.

"I'm busy, may pinapagawa si mommy, ikaw? Wala ka bang ibang gagawin?" tanong nya ng hindi ako hinaharap. Tumingin naman ako sa kisame dahil nagiisip ako.

"Linggo ngayon, ano naman gagawin ko?" tanong ko sakanya, he just tilted his head. Pinuntahan ko ang bag ko at tinignan ang mga laman nito.

"Tapos naman na ko sa plates ah, may— ah! Zeke!" tawag ko sakanya.

"Mhm?" di nya man lang ako nilingon.

"Naiwan ko pala blueprint ko sa room" saad ko, andito iyon gusto ko lang makuha ang atensyon nya.

"You're done with it, right? It's in your bag" wika nya ng hindi talaga ako nililingon.

Woah pano nya nalaman—wait.

"Tinignan mo bag ko?!" tanong ko sakanya.

"Malaki ang blueprint Jake, kitang kita sa bag mo." sagot nya. Aish.

Tinignan ko ang notebook ko at tinignan sya.

"May...nakita ka bang notebook?"

"Ofcourse?" sagot nya. Tinignan ko muli ang notebook na hawak ko. "Yung may feather?"

"Di ko naman ata kelangan isa isahin yan para lang sa notebook na may feather noh?" pang sasarkastiko nya na hindi parin ako nililingon. Tinarayan ko nalang sya at niligpit na ang higaan at gamit ko.

Maya maya ay may kumatok sa pinto kaya nagtaka ako, bukas pa uwi ni mommy ah. Wala rin dito ang mga kasambahay namin. Tinignan ko si Zeke na nakatingin din sa pinto. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nagulat nang si daddy ang nandun.

"D-dad?"
______________

Zeke's POV

Umayos ako ng tayo nang pumasok si tito sa kwarto, nagkatinginan kami ni Jake.

"Zeke? What are you doing here?" tanong sa akin ni tito. Buti nalang ay may laptop sa harap ko kaya pinakita ko iyon kay tito.

"Ah nagaasikaso po kami para sa graduation" sagot ko, ngumiti naman ito.

Everything He Never Told Me (JMNSDC #2)Where stories live. Discover now