Zeke's POV
"Check other departments din, wala pa yung iba." saad ni Kiara na tinanguan naming lahat. Lumabas na ako at medyo magulo na nga dahil nagsisimula naring magsilabasan mula sa mga room nila ang mga tao. Kanya kanyang bili at indayo na sa mga inaalok ng mga booth. Una kong pinuntahan ay ang booth namin. Spin a prize nga ang napili namin kung saan tatanungin namin sila about sa school namin at pag tama ay magsspin sila. Pumunta ako sa booth nila Kiara at nakita doon si Maddi at Lorie na masayang naghaharutan. Puno nga ng kulay ang mga mukha nila dahil pride theme ang sakanila. Nagbebenta sila ng colorful na mga pagkain.
"Bumili ka na dahil sobrang sarap ngmga to. We made it with a heart huy HAHAHA" nagtawanan nga silang dalawa kaya hinayaan ko na sila don. Pumunta ako sa photobooth kung saan ang booth nila Jake. Pero di ko sya nakita don, kanina ko pa syang umga hindi nakikita. Nagising nalang ako wala na sya sa tabi ko. Nakaramdam ako ng kaba, di kaya lasing sya kagabi? Tas galit sya ngayon kase I took an advantage of him?
"Leo, asan si... Jake?" tanong ko. Hinanap naman nya ito. "Wala dito e, baka nandun sa art room, kumuha yon ng mga photo paper e" sagot nya. Tumango naman ako at pumunta sa art room. Pagdating ko ay nakita ko itong nagaayos don.
"Jake—"nagulat ako dahil nagulat din sya. "Jake—" umalis lang ito, hindi man lang ito tumingin sa akin. What's wrong with him?
"Congrats!!" sigaw ni Madeline. Ang kaklase ko sya din ang namuno nitong booth nato. Pinaspin na nga namin ito ng prize nya at one plastic of candies ang napanalunan nito. Sumunod naman ang nasa likod nito, medyo mahaba nga pila dito samin. Wait, si Jake ba yon?
Nasa Jailing booth ito, kaya pinuntahan ko. Natawa nga ako at si Neo at Mark ang nasa loob ng jail.
"Pakawalan nyo na ko dati tanginang yan, 200 lang bayad palabas dito ah, anong 1500" sigaw ni Neo. Pft, sarili nilang booth pinagtitripan sya.
"Jake—" nang makita ako nito ay umalis sya agad. Inis ko itong hinabol at nahablot ko ang kamay nya. "Jake pwede bang kausapin moko?" Akala ko ay naliwanagan na ito ngunit inalis nya ang kamay ko sabay ng pagalis nya.
"Jake—"
"Zeke ikaw muna sa booth" inis kong tinignan si Jake na nakalayo na mula sa akin. Ano bang problema nya?
"3....2....1! Times up! Better luck next time!" saad ko dahil hindi nya nasagot ang tanong namin. Masaya naman itong umalis kahit wala syang nakuhang premyo, enjoy rin naman kase ang mga tanong namin.
Sumenyas ako ng 'wait' sa mga kaklase ko at kinuha ang cp ko.
To: Jake Baby
What's wrong? Did I do something?
I tried calling him pero pinapatay nya lang ito. As in dinedecline nya. Ang sama sama talaga ng ugali nya. Pumunta nako muli sa booth upang ipagpatuloy ang trabaho.
Nagpaalam ako magcr kela Madeline, sa paglalakad ko ay nakita ko si Jake. Naglalaro ito ng cp, nagdahan dahan ako sa paglapit sakanya upang di na sya makatakbo.
Nang makalapit ay agad kong hinawakan ang kamay nya. "We need to talk." saadko at hinila sya papasok sa cr.
Inis ko syang binitawan pagkasarado ko ng cubicle. Sinubukan nga nito lumabas ngunit hinarangan ko sya.
"Now tell me why are you acting like that?" tanong ko. Tinignan lang ako nito at nagpumilit na naman lumabas. "Magsalita ka nga" pagmamakaawa ko sakanya. Ngunit mataas ang pride nya at talagang nagpupumilit lumabas.