Zeke's POV
Wala akong ganang naglalakad sa hallway, dahil naiinis parin ako sa kinikilos ni Jake. Hindi makaintindi na wala akong interes sa babae. Eto na naman sa mga tingin ng mga babae, ts. As if namang magugustuhan ko sila. Salubong lang ang kilay ko at wala akong pake sa masasabi nila, kase sino ba sila?
Dumiretso na nga ako sa avr at binagsak ang bag ko. Inis akong umupo sa sahig. "Bullshit." wika ko sa sarili ko. Kinuha ko nalamang ang notebook ko at sinimulan ang pagrereview. Vacant time kase ngayon dahil may conference meeting sa big avr sa ibaba.
"Maddi no, we can't do it here-" nagkatinginan kami ni Kiara habang kita kong hinahalikan ni Maddi ang mga leeg nito. Umiwas ako ng tingin at agad din silang umayos ng tayo. "Ts isa pa tong di marunong humanap ng room." bulong ko sa sarili ko. Inis akong tumayo at aalis na sana. "Zeke, kala ko di ka papasok ngayon?" tanong sa akin ni Kiara.
"Natapos ko ng maaga, para san pa tatambay ako sa bahay." sagot ko at lumabas na. Naalala ko pa nga kay pumasok ako muli. "Pupunta dito si Mrs, Leonora 30 mins from now. Make it quick." saad ko at lumabas na. Sinigawan pa nga ako ni Kiara ngunit hindi ko na ito pinansin.
Naglalakad lang ako nang makita ko ang babaeng kausap ni Jake kahapon noong nagsuswimming ako. May kayakapan ito ngayon habang naguusap sila ng mga tropa nya. Tangina ako sawang sawa na sa mga panloloko ng tao dito ah. Inis akong lumapit dito. Halos naman ng babae sa grupo nila ay naghiyawan habang nakatingin sakin at etong lalake naman ay takang nakatingin sa akin. Inalis ko ang mga kamay nito sa babae. "Did you know, you're hugging a cheater?" deretsong tanong ko rito. Kita ko namang kinabahan ang babae. "H-huh?"
"Babe I don't know what he's talking about-"
"Oh? Gusto mo ba ipaalala ko sayo?" saad ko sa babae. "I- I don't know-" nilabas ko ang cp ko at nagkunwareng tatawagan si Jake.
"Jake-"
"Hey! He's out of this!" madiing wika ng babae sa akin. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang eksena. "So it's Jake? That freaking moron-"
"Hoy, I never said it's Jake, your girlfriend just admit it." banta ko rito dahil susugudin nya si Jake. Tinignan nya ng masama ang babae. "Tangina sabi ko na eh." saad nito at nagwalkout. Sinamaan pako ng tingin ng babae bago habulin ang bf nya. Samu't saring bulungan ang nandito.
"Si Jake daw? Palagi syang-"
"Ano? Ngayon lang kayo nakakita ng away?" dali dali rin naman silang umalis. Umalis na ako doon na parang walang nangyare at nagcr upang umihi.
May pumasok, guess who? It's Jake. Tinignan ko lang ito at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko. Pumunta ito sa lababo at naghilamos. "How was your night?" tanong ko rito, tinignan ako nito mula sa salamin. "Great, dami chix." sagot nya. Sinara ko na ang zipper ko at pumunta sa tabi ng lababo nya. "I thought you like Lorie?" Napatingin naman ito sa akin habang may sabon pa ang mga mukha.
"Yea, but she rejected me and told me to move on. Ayoko namang gawing komplikad lahat, ayoko syang pilitin." sagot nya at naghilamos muli habang nakatingin sa salamin. Pinanood ko lang sya maghilamos, matagal nga ito maghilamos dahil conservative sya sa mukha nya.
"Will you stop looking at me?" tanong nya. Ngumiti naman ako at naghilamos nalang rin. "The girl you're with, yesterday. May boyfriend pala yon? tanong ko rito. Di ako nito nilingon. "Sino?"
"Rebecca?" tanong nya. "How am i supposed to know that? Basta ung bf nya ung medyo bulakbol." sagot ko. Bahagya naman itong nagisip.