Zeke's POV
Palipat lipat ang tingin ko sa relo ko at sa entrance ng mall. Mahigit dalawang oras na ko rito, may nangyare kaya sakanya? It's already 11pm. Ang usapan namin ay alas nwebe ng gabi rito.
"Okay lang kayo sir? Kanina ko pa po kayo nakikitang nakaupo dyan?" tanong sakin ni manong guard. Nginitian ko naman ito para ipaalam na okay lang ako. 11 na, tulog na siguro yon, baka nakalimutan nya lang.
Tinignan ko ang bulaklak na nasa tabi ko, balak ko sana ibigay sakanya yon ngayon dahil nga gagawin ko sanang date namin ito. Nakalimutan nya lang ata bumuntong hininga ako at inabot nalang yun sa babaeng katabi ko. Nagtaka pa nga ito pero ngumiti nalang ako. Paglabas ko ng mall ay umuulan na, patay wala akong dalang sasakyan. Kinuha ko ang cp ko para lagyan ng plastic dahil plano ko na sumugod ng ulan ngunit isang notification ang nandun.
Neo added to his story.
Hindi ko na sana titignan iyon ngunit feel ko ay dapat tignan yon kaya pinindot ko ito. Bumuntong hininga ako ng makita si Leo don na tulog na tulog at bagsak sa kalasingan. Samu't saring tawa ang naririnig mula sa video ngunit may narinig ako.
"HAHAHA tapos si Jake nawawala na naman, ninakaw na naman ng chix saten"
Pft, nakalimutan nya lang talaga siguro, kaya nagclub sya. Tinago ko na ang cp matapos ko lagyan ng plastic at tumakbo na. Hindi ko nga alam kung ulan pa ba tong nasa mukha ko o luha ko na. Kung ayaw nya pala ko kasama, sana sinabi nya nalang.
Nagpupunas nako ng buhok habang nagbabasa ng reviewer. Naubo pa nga ako, ah shit sana wag ako lagnatin. Hindi ko parin maiwasang malungkot sa nakita ko sa story ni Neo. Ano bang laban ko, babae yon e. Nagbasa na lamang ako upang madistract ko ang sarili ko nang may kumatok sa pinto ko. Nang buksan ko ay si manang ito.
"Sir, si Jake po nasa labas ng gate, pinapapasok ko po dahil naulan ayaw nya—"
Hindi ko na ito pinatapos at dali dali na akong bumaba. What the fuck Jake umuulan. Pagbukas ko ng pinto ay nasa harap nga si Jake na namumula ang mata. Lasing ba ito?
"Jake?" tawag ko rito, nanatili lang itong masama ang titig sa akin. "Jake umuulan halika—"
"Why weren't you at the mall, huh?" galit na galit ang boses nito at tinulak ako nung sinubukan kong lumapit. "I'm sorry, kanina pako nandun sana pala nagantay pako—"
"Why are you doing this to me huh?!" sumigaw na ito kaya bahagya akong nagulat. Lumalakas lalo ang ulan at nagaaala ako dahil wala itng payong at hinahayaan nyang maligo na sya sa ulan.
"Jake I'm really sorry, please get inside magkakasakit ka" wika ko at hinawakan ang kamay nya upang iguide syang pumasok sa loob ngunit nagpumiglas ito.
"You're confusing me! I hate this!" hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Sobrang lasing ata sya ngayon, wala akong choice kaya lumabas ako at tinry syang papasukin sa loob ngunit ayaw nya talaga. Ngayon ay parehas na kaming naliligo sa ulan.
"Jake please calm down, you're drunk. Ipagtitimpla kita ng kape—" Kinwelyuhan ako nito.
"Tell me why I can't kiss her, tell me why I keep thinking about our kiss everytime I kiss her" nanatili akong nakatayo at hinahayaan syang hila hilain ako, dahil di ko naman alam ang sasabihin.
"I'm supposed to be worked up when she starts doing it. I'm supposed to love it! But why do I feel like I'm cheating on you?!" sigaw nya pa sa muka ko.
"J-jake..."
"Why can't I feel anything..w-why........why didn't she harden me when she kissed me?" ngayon ay alam ko nang umiiyak ito. Sinubukan kong hawakan ito ngunit lumayo sya.
