Zeke's POV
Pauwi na ako ngayong naglalakad, nakakawalang gana rin naman kase magdrive. Tinignan ko ang messages ko ngunit wala talaga kahit isang message nya doon. Dumaan na rin ako sa bahay nila at wala sya doon.
Pilit ko nalang inalis sa utak ko iyon at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
"Uy Zeke" tinignan ko ang tumawag, si Migs.
Nakapamulsa ko itong nilapitan.
"Mag-iisang taon na mula nung bumalik ako dito ngayon mo lang ako kinausap?" saad ko rito, kumamot naman ito sa batok nya.
"Eh, alam mo namang hindi nako nagcollege diba, tinake over ko n yung business busy nako, pasensya ka na para namang hinihintay moko eh wala ka namang pake sakin" pagmamaktol nya, ngumuso pa nga ang kupal.
Agad ko itong binatukan at inakbayan.
"Madrama parin" pang aasar ko. Tumingin naman ito sa akin. "Kung kelan nandito ka na ako naman magiibang bansa" wika nya na ikinakunot ng noo ko.
"What do you mean? Diba.... ayaw mo sa ibang bansa?" tanong ko, tumawa naman ito.
"Sawa nako sa pilipinas HAHAHAHA" nagtawanan naman kami, maya maya lang din ay huminto ang tawa nya kaya tinignan ko sya. Nakatikom na ang bibig nito, tinignan ko kung saan sya nakatingin at tumambad sa akin si Jake na nakasandal ang kaliwang balikat sa pader habang nakacrossed arms at masama ang tingin sa amin.
"Ahhh hi?" bati sakanya ni Migs.
Tinignan lang sya ni Jake at bumaling na sa akin, napalunok nga ako dahil sobrang sama talaga ng titig nito.
"Ahh.. si Migs, kaibigan ko. Migs, si... Jake...." pagpapakilala ko sakanila. Tinignan ako ni Jakena para bang may inaantay pasyang sabihin ko.
"Hi Jake, your.... Zeke's friend? I'm his childhood friend—"
"Am I?" tanong sa akin ni Jake, tinignan ako ni Migs na nagtataka kaya iniwas ko nalang tingin ko.
"Ahh.. gusto nyo uminom?" tanong ni Migs.
"Jake? Gusto mo sumama samin?" tanong nitong muli kaya napapikit ako. Dahan dahan kong tinignan ang reaksyon ni Jake at napaiwas agad nang makitang galit parin ito.
"Hindi, ikaw ba? Zeke?" madiin ang pagkakabanggit nya sa pangalan ko.
"Ah! Ano haha, may gagawin pa ko eh" wika ko na lamang. "Sure ka?"
Tinignan ko muli si Jake at nakataas ang kilay nito. Tumango naman ako kay Migs.
"Ah, sige sa susunod nalang, una nako. Bye... Jake?" tumango naman si Jake doon.
"Bye Migs—"
"Samahan mo na mukang namimiss mo na agad e?" saad ni Jake pagkaalis ni Migs. Bumuntong hininga nalang ako at nauna nang maglakad.
Teka bat sya nandito, lagpas na to sa bahay nila ah.
"Hoy Zeke" tawag nya sa akin. Hinarap ko naman ito.
"Ano.....yung lalake... sino yon?" tanong nya nang hindi tumitingin sa akin. Sa pinapakita nya nga ay di napigilan ng mga labi ko ang ngumiti. Nilapitan ko ito na ikinaatras nya.
"Why? Are you jealous?" pang aasar ko, marahan ako nitong tinulak.
"Who's jealous?"
"Then.... you don't need to know" wika ko upang maasar sya lalo.
