Shaira's POV
Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin, suot ang kulay pulang bestida na binili ni daddy para sa akin. Suot ko rin ang mga pulseras na ipinama sa akin ni mommy, naglalakihan ito at makinang. Sa paa ko naman ay ang mahahab at matataas na takong na sandals na kulay pula rin.
Napasinghap na lamang ako, hindi ito ang gusto ko. Kung nandito lang si mommy, panigurado ay ipagtatanggol ako nito.
Narinig ko ang katok mula sa aking pinto kaya binuksan ko iyon. Tinignan ako ni daddy mula ulo hanggang paa. "You look fabulous, anak" wika nya, nginitian ko naman ito. Inalalayan nya ako bumaba na para bang isang prinsesa. Simula bata ay prinsesa na ako ni daddy, lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Noong bata nga ako ay mayroon akong sariling kastilyo sa loob ng isang kwarto, pero sa dati pa namin iyong bahay.
"You're my princess, and you need a prince." saad nya. Dahan dahan na lamang akong tumango. Alam ko namang walang patutunguhan kung magsasalita ako.
"Tinext ko na si Jake, he will be here for sure." pasimple kong tinignan ang cp ko na nasa lamesa. Panigurado ay ginamit nya na naman iyon pang text.
"And don't you dare send stupid messages again." wika nya at kinuha na ang bag nya upang maghanda umalis. "I'll be monitoring your cp this whole day. Don't do something stupid. And have a great day with a prince." saad nya bago pinat ang ulo ko at umalis na. Nang makaalis na sya ay binagsak ko ang sarili ko sa upuan at tinignan ang suot ko. Red dress? Stupid.
Kinuha ko ang cp ko at tanging number lang ni daddy at Jake ang naroon. Buti nalang ay kabisado ko ang number nya, magsesend sana ako ng message sakanya ngunit naalala kong minomonitor ni daddy ang cp. Tinignan ko na lamang ang text na sinend nya kay Jake.
I'm ready for today, I'm excited to see you.
Ts. Talagang pinagmumuka nyang ako ang nagtext. Tinignan ko ang driver na nakatayo na akala mo ay guard ko. Pano makakatakas kung nakabantay to. Nakakabwisit naman.
________________
Jake's POV
Inis kong tinignan ang wrist watch ko. It's already 11:30 am, kalahating oras na mula sa oras na napagkasunduan namin. Umupo ako sa bench dito at sa katabing bench ko grupo ng mga kababaihan. Nagbubulungan sila at rinig kong dahil sa akin yon. Alam ko namang pogi ako.
"Kuya Jesselle daw po" sigaw ng isa na pinipigilan naman ng mga kaibigan nya. Typical girl these days. Suminghap lamang ako at di na iyon pinansin. Kinuha ko ang cp ko nang mabasa ko ang text mula kay Shaira.
From: Shaira
Where are you now, I'm waiting.
Agad ko nalang iyon tinago, I don't know but I feel guilty na pinaghihintay ko sya. Pero di naman ko obligated, ginagamit nila ung ginawa ko laban sa akin. Napatingin nga ako sa ngayo'y naglalakad papunta sakin na lalake. Nakahawaiian polo ito at nakashort lang. May salamin din ito ngayon, na nakakadagda sa kagwapuhan nya. Pagpunta nya nga sa harap ko ay amoy na amoy ang pabango nito. Grabe ang bango bango nya.
"Shet papi" rinig kong wika ng mga babae. Salubong ang kilay ko silang nilingon. Tumayo ako at tinignan si Zeke. Kinausap ko sya gamit ang mga mata at inutusan ko syang halikan ako sa pisnge.
Hindi naman ito nakakaintindi kaya naiinis nako. Sinamaan ko sya ng tingin sabay ng pagtingin ko sa mga babaeng nakatingin sa amin. Ngumiti naman ito at lumapit sa akin.
"I'm here, baby." saad nya sabay halik sa mga noo ko. Nanlaki nga ang mgamata ko roon at tila nanigas sa pwesto ko.
"Sana all" rinig kong wika ng mga babae. "Tara na?" tanong sa akin ni Zeke at hinawakan ang mga kamay ko. Umalis na nga ito kaya sumunod ako pero saglit ko munang nilingon ang mga babae at inismiran. I win, girls.