Twelve

4 3 2
                                    

Zeke's POV

Days had passed, nanatiling maayos ang buhay ko at ang komunikasyon namin ni Jake. Sa kabila nang mangyare sa amin ni Jake ay ganun parin ang pakikitungo nito sa akin. Hindi tapos ang araw nya nang hindi ako kunukwelyuhan o pinapakyuhan, but still I find it cute.

"Uy Zeke! Bili ka na oh" napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin. Si Lorie ito, kaya nakangiti akong lumapit sakanya. Tinignan ko ang mga paninda nilang colorful tusok tusok.

"Sige pabili ako—"

"Wait wait, Zoey ikaw muna" saad ni Lorie dahil may tumawag sa phone nya, pinalitan naman sya netong creepy na babae na to na ewan ko bakit nakangiti sa akin.

"Ano po iyon Mr. Gwapo?" wika nya sabay hagikgik, hindi ko nalang ito pinansin at kumuha na ng pantusok upang makapili na ko. "Do you have spicy sauce?" tanong ko. Ngumiti ito bago sumagot.

"Meron pero meron akong mas mabibigay sayo, for free" taka ko lang itong tinignan. "Spicy girlfriend for spicy night" saad nya, nagsalubong naman ang mga kilay ko. Inis kong binitawan ang pantusok at haharapin na sana sya ng may magsalita.

"He's not interested, at as far as I know, bawal yan sa rules diba?" Agad akong napatingin ng makita ko ang boyfriend kong mataray na nakatingin sa babae. Mukhang nahiya ang babae kaya yumuko nalang at sakto dumating na si Lorie.

"Pasensya na—"

"Ang ayos ayos ng booth nyo may naligaw na dugyot." wika ni Jake at tinignan ako. Nawala ang ngiti ko nang matalim ako nitong tinignan. Para nya akong pinapaalis na gamit ang mga mata nya. Yumuko ako at umalis na doon sa booth. Pft, he's so cute. So territorial.

Naglakad lakad lang ako habang nagchecheck ng mga booth. Mukhang mas productive nga ang taon na to kesa last year. Marami nang booth at talagang nilagyan ng effort.

"Oh? Naglalandian nga daw e" rinig kong boses. Sinundan ko kung saan galing ito at nakita ang dalawang babaeng naguusap habang nagtitinda sa booth nila.

"Ang sabi daw lowkey lang daw sila dahil narin sa issue?" saad naman ng isang babae, sa kuryusidad ko ay nilapitan ko sila. Agad naman silang nagpacute.

"Narinig ko kase kayo naguusap? Sinong...... naglalandian?" tanong ko, para naman akong chismoso dito pero okay lang, sa charm ko naman ay di na nila mahahalata yon dahil tignan mo nga halos iluwa na nila ang mga mata nila sa akin.

"Ahh sila Jake at Shaira po" saglit na kumunot ang noo ko pero tinago ko iyon. "Oh... and....pano nyo nasabi" tanong ko, nagtinginan sila na para bang nagtataka na at nagtutulakan kung sino ang sasagot.

"Nagpost po kase si Shaira ng pic nya sa isang restaurant tapos nahagip doon ung hoodie na laging sinusuot ni Jake so baka po magkasama sila, deleted na kase ung pic. Pero eto po nascreenshot namin" aka nila at pinakita sa akin ang pic. Oh, andun nga. Pero this hoodie seems familiar, I think I saw it somewhere din. Nginitian ko lang sila at nagpasalamat bago umalis. De baka, parehas lang. Marami din kaseng ganon hoodie, baka nagkataon lang.

Nagulat ako nang makitang nakatayo na sa harap ko si Jake at matalim ang tingin. Napalayo ata iniisip ko di ko na namalayan na nasa cr na ako.

"Daming iniisip ah" saad nya. Bahagya naman akong tumawa at ngumuso sa kanya. Nginuso ko ang loob ng cr para sana ay pumasok kami doon dahil gusto ko syang yakapin. Nagsalita lang ito ng walang boses 'Ulol' wika nya na tinawanan ko.

"Gusto ko lang hawakan kamay mo, please?" saad ko. Andami ko kaseng iniisip pero napaka ayos namin at ayoko syang paghinalaan. Tumaray muna ito bago naunang pumasok sa loob, napangiti naman ako at syaka tinignan ang paligid bago ako pumasok din.

Everything He Never Told Me (JMNSDC #2)Where stories live. Discover now