Fifteen

4 2 5
                                    

Third Person's POV

Inagaw ni Jake ang panyo mula kay Leo at ipinunas iyon sa pawis nya. Katatapos lang nila maglaro sa court ng school nang mapagpasyahan nilang maglaro nalang ng ml sa rooftop.

"So you're telling me, kayo na ni Zeke?" agad itong sinamaan ng tingin ni Leo. "Do you really need to say it loud?" hininto ni Leo ang pagml nya dahil naguguluhan ito. Ipinaharap nya si Jake sakanya sa pamamagitan nang paghawak sa magkabilang balikat nito.

"I didn't know you're gay—" agad na kinwelyuhan ni Jake si Leo kaya napataas nalang ito ng mga kamay nya. "I'm not gay" inis na wika nito.

"It's just happened that he's a guy" tumango tango nalang si Leo kaya binitawan na sya ni Jake.

"Okay okay, phew you don't have to react like that. There's nothing wrong being a gay." wika ni Leo, hindi na sya pinansin ni Jake kaya tumahimik na sila.

Ilang minutong katahimikan ay dumating si Mark. "Namo Jake naiwan mo sa court, oh." inabot nito ang isang notebook ni Jake. Nang makita ni Jake kung ano ito ay nanlaki ang mga mata nya at dali daling inagaw iyon kay Mark.

"Bat— binasa mo ba?" inis na tanong ni Jake. Nagtataka naman si Mark at Leo sa reaksyon nito. "Hindi ah, ganun ba ko?" sagot ni Mark at umupo sa tabi ni Leo. "Pero ang weird, nagawa ka ba ng letter? Everything I never told him—" hindi na natuloy ang sinasabi nito dahil agad syang kinwelyuhan ni Jake.

"Sabi mo di mo binasa?!" inawat naman ito ni Leo. "I can't help it bro, nakita ko e malamang nabasa ko, cover lang naman yun ah hindi ko naman binasa yung loob" pasigaw na wika ni Mark.

"Tama na parang mga tanga naman to."

Inis na binitawan ni Jake si Mark, at matalim na tinignan. "Hindi mo binasa yung loob?" tumango naman si Mark. "Mamatay man ako."

Hinayaan na ito ni Jake at tinago nalang muli ang notebook. "Nga pala, nandyan daw si Shaira sa labas ah?" agarang napatingin si Jake rito. "Ha?"

"Ewan may nakakita—" agad nang tumakbo si Jake pababa ng rooftop. "Kase may issue.....di nya talaga ako pinapatapos palagi" saad ni Mark.

"Issue? anong issue?" tanong ni Leo.

"Nakita daw sila magkasama nung sabado e, dun sa shop tas sakto pa na nagpost si Shaira ng picture nya." paliwanag ni Mark. Nagtaka si Leo kaya ipinatingin ni Mark ang picture na nakapost. Litrato iyon ng pagkain sa table at dalawang plato ang nandun.

"Posible daw na kay Jake yan, yan oh" zinoom ni Mark ang taas na bahagi ng pic kung saan nahagip ang pantalon at laylayan ng damit ni Jake. "Nagdedate ba sila?" tanong ni Mark. Agad na tumayo si Leo upang sundan si Jake.

"Gulo to " bulong nito bago bumaba na.





Agad na hinanap ng mga mata ni Jake si Shaira nang makapunta na ito sa gate. "Where is she?" bulong nito. Nagulat ito ng may umihip sa leeg nya.

"Wtf Zeke!" sigaw nito mahina namang tumawa si Zeke. "What are you doing here? Wala kang klase?" malambing na tanong nito. Muli munang sumulyap si Jake sa labas ng gate upang icheck muli, ngunit wala talaga si Shaira dito.

"Okay ka lang?" tanong ni Zeke, marahang tumango si Jake dito. "Ikaw? Bat ka andito?" tanong nito kay Zeke. Tumingin si Zeke sa paligid bago nagsalita.

"Nagiikot ako, I miss you." saad ni Zeke, sinamaan sya ng tingin ni Jake ngunit alam nya sa sarili nyang kinikilig sya. Nauna na ito maglakad ngunit huminto rin nang di nya makitang nakasunod si Zeke.

Everything He Never Told Me (JMNSDC #2)Where stories live. Discover now