Five

9 2 2
                                    

Zeke's POV

Nasa van palang ako ay tanaw ko na ang napakadaming tao sa harap ng gate. Sinilip ko ito sa bintana at nakita doon ang isang pamilyar na babae. Hindi ko na iyon pinansin at sinandal nalang muli ang ulo ko sa upuan. Nang maiparada na ang van sa loob ng school ay bumaba na ako agad.

"Zeke, pwede daw papicture?" salubong sakin ng isang babae kasama ang kaibigan nyang gay. Tumango naman ako at nagpose. "Di na nadala si Shaira kay Jake e no?" rinig kong wika ng dumaang dalawang lalake.

"Okay na po, thankyou po!" saad ng babae at halatang inaasar nya ang kaibigan nya. "Uhm, bakit magulo ngayon?" tanong ko sakanila bago sila umalis. "Ah? Sa labas po? Ah si Shaira mo nandun, kinausap yung principal ata eh" Tumango naman ako. Bakit nya naman kakausapin? Dumiretso na ako sa hallway, papunta sa room ko.

Tignan mo tong mga tangang to. Binatukan ko agad si Vhon pagkaupo ko dahil nagdodrawing na naman ng kababuyan nya sa upuan ko. "Pre nadaanan mo si Shaira?" tanong nito. Agad na nagsalubong ang kilay ko, bakit ba puro sila Shaira. "Ba malay ko ba." wika ko at natulog na. Pumunta nalang ata ako sa school para matulog.
_______________

Lorie's Short POV

Inis akong papunta ngayon sa klase nila. Oh diba, wala nanaman sya dito. Hinanap ko sya sa iba't ibang club, pati na rin sa avr. Isang lugar lang talaga yon. Dali dali akong umakyat sa terrace, tignan mo tong lalake nato, naglalaro na naman at nakaheadset pa ah. Hinablot ko ito kaya salubong ang kilay nitong lumingon sa akin. "Meron ka ba?" tanong nito sa akin.

"Sabi ko diba wag mo na guluhin si Shaira?" inis itong tumayo. "Lorianne wag ngayon ah." medyo napaatras ako ng tawagin nya ang full name ko pero agad ko itong tinago.

"Andyan si Shaira sa office, anong ginawa mo?" namuo ang galit sa mga mata nito at nilapitan ako. "Wala akong ginawa, Lorie. Porke ba nandito yan ako agad? Pake ko ba dyan-" kusang gumalaw ang mga kamay ko sa inis at sinampal sya.

"Ikaw ba yan Jake?! Oo alam ko playboy ka, pero never kang nanakit ng babae Jake. Takot ka makapanakit diba?!" sigaw ko at naluluha na. Hindi ko na kase makita ang dati kong kaibigan rito, mula noong nagyare yon ay nangako si Jake na hindi na mauulit. Pero ngayon ay naungkat na naman at tila ba ay wala syang ginawang kagaguhan dati.

"Hindi ako nanakit putangina naman. Oo mali ako sa ginawa ko, pinagsisihan ko na nga diba?! Wala na kaming komunikasyon nyan, hindi ko alam bakit yan nandito, wala akong kinalaman ngayon sa pagpunta nya!" sigaw nya. Napalunok na lang ako, galit na galit talaga ito.

"Whatever. Just don't do anything stupid." saad ko at umalis na. Sinara ko ang pinto sa terrace at hinawakan ang dibdib ko. He never shouts at me.

_________________

Zeke's POV

Kasabay kong naglalakad sila Maddi, Kiara at Lorie sa hallway. Papunta kami ngayon sa open space, kase palapit na nga ang intrams kaya kanya kanya naring booth ang nandito.

"Where's Jake?" tanong ko.

"I don't know, baka nasa terrace o court." sagot ni Kiara. Should I go to him? Okay lang kaya yon? I think I need to.

"Shai...." tinignan ko kung saan nakatingin si Lorie. Isang babaeng nakayuko ito palabas ng gate, rinig din ang mga bulungan sakanya. "Why is she here?"  rinig kong tanong ni Kiara.

"I'm really confused. Who is she?" tanong ni Maddi. Tinignan lang sya ni Kiara at pinat ang ulo. Hindi na sila muling nagsalita at nagpatuloy na sa paglalakad. Curiosity is really killing me right now, i need an answer. Lumiko at dumiretso sa principal's office. Si Mrs, Leonora na tita ko.

Everything He Never Told Me (JMNSDC #2)Where stories live. Discover now