Zeke's POV
Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakita si Lorie na nakatayo di kalayuan mula sa akin. Mukang may inaasikaso ito sa table.
Hinanap ko si Jake ngunit wala ito sa loob ng infirmary. I sighed.
"Oh Zeke, gising ka na pala. Inexcuse na kita sa prof mo, kelangan mo daw magpahinga. Taas ng lagnat mo pumapasok ka." wika nya sabay abot sa akin ng biscuit. I shrugged my head and tried to get up. "Where's Jake?" tanong ko.
"May pasok syempre, vacant time namin ngayon. Sila Maddi bumili lang sa cafe paakyat na rin siguro yon."
Kinamot ko ang ulo ko. God ano bang ginawa ko. Lalo ko lang ginulo lahat, tagal na panahon ko na pangarap maging kaibigan sya, tapos nung nakuha ko na sa isang iglap lang nawala na naman.
"Oh Zeke, dapat kase di ka na pumasok kung may lagnat ka" wika ni Kiara, nakasunod sakanya si Maddi at inabutan ako ng kape. Hindi na lang ako umimik at ininom nalang ang kape.
"Do you remember Shaira?" rinig kong tanong ni Kiara, naguusap ata sila kaya hindi ko na ito pinansin at uminom nalang ng kape.
"Sino yon?"
"Yung sa Education, ung sinabay ni Jake sa... sino nga yon, ung sa pastry-"
Agad akong napatingin sa kanila.
"Anong kwento?" tanong ko, takang lumingon si Kiara. "Wala, nasa U.S ka pa nun, dakilang chixboy kase yan si Jake, ngayon ung Shaira may balita na nagpaparamdam ulit kay Jake, kung ako yon sinapok ko na si Jake e" wika ni Kiara. Kumunot naman ang mga noo ko at tumingin ako kay Lorie. Alam ko kase na magegets nya ko.
"Iniwan kase yon ni Jake, pagtapos may mangyare sa kanila, tas kinabukasan pinuntahan nya si Jake, di sya pinansin ni Jake, napahiya pa nga yon edi ayon nagtransfer" paliwanag ni Lorie.
Jake, seriously. What the fuck are you doing?
"Hindi ba alam nung girl na playboy si Jake? Pumatol parin sya?" tanong ni Maddi. Yes, imposibleng papatol sya kung alam nyang paiba iba ng babae si Jake.
"Nadala sya ng mga sweet words ni Jake, sabi e girlfriend na daw sya. Wala pa ngang nagiging gf si Jake, puro pasarap lang yon. Kaya etong babae naoverwhelmed na sya ung first serious rs ni Jake, edi pumalag na." sagot dito ni Kiara. Ugh, you're really something, Jake.
"So, nilalandi ni Jake si Shaira?" tanong ko. Nagkibit balikat naman sila. Inis kong nilagok ang kape hanggang sa wala ng matira dito. Mukhang lalo akong mahihirapan ah.
Matalim ang mga mata kong nakatingin kay Jake na ngayon ay nakangising naglalakad na nakatutok sa cp nito. Nagulat nga ito nang makita ako.
"What the hell Zeke, don't just stand there like that. I almost had a heart attack." saad nya sabay haplos sa dibdib nya. Nasa corner kase kami ng corridor na ang tanging room lang na nandon ay auditorium. Siguro ay papunta sya dito.
"Nakalabas ka na pala sa clinic." wika nya sabay lagpas sa akin upang tumuloy na sa auditorium. Inis akong napabuntong hininga. Hinila ko ang kamay nito kaya napatigil sya sa paglalakad.
"What now, Zeke?"
"I'm sorry. I'm sorry for my actions earlier, I didn't mean to make you uncomfortable." marahang sambit ko. Huminga naman ito at tumango.