Someone's POV
From: Shaira
Hey, I'm sorry. We can't meet tonight, daddy's home.
Napasinghap na lamang ako nang mabasa ko ang mga text na iyon. Why am I feeling this way? Why does i make me sad whenever I don't get to see her. I don't want to feel this.
Tinago ko na lamang ang cp ko at nagsimula nang maglakad pabalik sa bahay. I hate her dad, why can't she just free his daughter. Bakit kelangan mabuhay ni Shaira sa mga pangarap nya. Kung hindi pa ito maayos ngayon, hindi ko alam kung ano pang mangyayare. Kaya hangga't hindi pa maliwanag ang lahat, pinipigilan ko ang nararamdaman ko. Ayokong masaktan ulit.
Napatingin ako sa cp ko na tumunog muli, nagaalin langan nga ako kung titignan ko pero tinignan ko parin, at sana nga ay hindi na.
From: Shaira
Dad wants to see Jake tonight. I'll try to stop it.
______________
Jake's POV
Nagpupunas ako ngayon ng buhok ko dahil katatapos ko lang linisan ang katawan ko. Kahahatid lang rin ni Zeke sa akin at wala pang message mula sakanya, marahil ay hindi pa sya nakakauwi. Kinuha ko ang cp ko, at tinignan muli ang feed ni Zeke. Ewan ko ba, naadik ako tuwing nakikita ko ang mukha ko sa feed nya. Oh panis, ako lang ang ibang mukha dyan. I feel so special.
Kinuha ko ang eyebug pud ko at humarap sa salamin. God, ampogi ko. Napangiti naman ako ng maalala ko ang mga bagay na ginawa ko dati bago ko bigyan ng chance si Zeke. Ts, chixboy to. Yet, lalake lang pala magpapatino.
*Flashback*
"Si Zeke oh" tinignan ko ang tinuturo ni Leo. May babaeng nagpapapic kay Zeke at nakahawak ang kamay nit sa bandang dibdib ni Zeke. Aba, tangina anong pose yan.
"Woi woi Jake—" hindi ko na pinansin si Leo at inis na lumapit kay Zeke. Paglapit ko ay agad ko itong sinamaan ng tingin pati na rin ang babae.
"A-ah"
"Bitaw" mariing wika ko sa babae. Hindi nya tinatanggal ang kamay nya kaya lalong naginit ang ulo ko. Kinakalaban nya ba ko?
"Sabi ko bitaw—"
"Hep hep! Bitaw nalang ate ano? Ano ba gusto nyo libre ko na kayo, tara na" babanggain ko na sana ang babae nun ng pumagitna si Leo at inalis ang babae. Ngayon ay naiwan kaming dalawa ni Zeke. Nagtataka itong nakatingin sa akin.
"Idiot." wika ko rito at umalis, pumunta ako sa cr dahil alam kong susundan ako nito. Pagpasok nya ay agad ko syag kinuwelyuhan. "Pagtapos moko tanungin kagabi kung pwede maging boyfriend mo, mambababae ka ngayon?" saad ko rito. Tinaas nito ang dalawang kamay nya na parang nagsusurrender.
"I'm sorry, hindi ko sya nilalandi"
"Hindi? Eh bat di mo sinabing may kinikita ka, bakit nagpahawak kalang?" naiinis parin ako at inaangat ko na nga sya sa pamamagitan ng pagkwelyo.
"Hindi—ha? kinikita?" narealize ko ang sinsbi ko kaya agad ko rin syang binitawan. "Jake.... what do you mean?" hindi ko ito pinansin at lalabas na sana ng hilain ako nito at sinandal sa pader. Tangina eto na naman ung dibdib ko.
"Are you saying...." Hindi ko napigilan at hinalikan ko ito. Pinikit ko ang mata ko at ninamnam ang mga labi nya. Pagkahiwalay ng mga labi namin ay nanlalaki ang mga mata nito.