Jake's POV
Bumibili ako ngayon ng tubig sa canteen kase nakalimutan ko tumbler ko, sa dami daming pwedeng makalimutan tumbler pa. Nagsidatingan na nga ang ibang mga tao dahil breaktime na ng iba. Ginaganahan na naman mga mata ni Leo oh. Pagkaabot sa akin ng tubig ay umupo muna sa table dahil tinatamad pako pumasok sa room.
"Sungit nun" saad ni Leo, tinignan ko kung ano tinutukoy nya, babae na naman pala. Kinuha ko ang cp ko at tinignan ang mga messages. Andami ko palang unopened messages dito, puro babae.
Himala, wala pang message si Zeke.
Maaga pa lang at pangalang subject palang ata to, nagdecide ako na dito nalang ako sa cafeteria dahil naiirita ko sa history teacher namin eto namang si Leo ay gaya gaya at dito na rin daw sya.
"Tol gimik bukas oh ano, may papakilala ko sayo." sambit ni Leo at pinakita ang picture ng babae. Nakasee through dress ito at labas na labas ang mga cleavage nito.
"Sarap no?" tanong nya. Tinignan ko pa itong maigi, wala. Wala akong maramdaman, hindi sya naganda. "Pass, yoko" sagot ko. Tinarayan naman ako nito. Baliw expect nya lahat ng maganda sakanya ay maganda rin sa akin. Nagtataka na nga ko at halos lahat na ay nakatingin sa akin. Tuwing dadaan sila ay tinitignan ako tapos magbubulungan. Tong mga to.
"Nubayon?" inis na wika ni Leo dahil pati sya ay napapansin na rin, sinaway ko naman ito. "Yaan mo na yan, baka kay about kay shaira na naman yan." sagot ko na lamang. Uminom nako ng tubig ng biglang umupo sa harap namin si Vhon. Zeke's friend, dati rin namin syang kaibigan.
"Uy Jake, Leo" tawag nya sa amin. Binati rin namin ito. "Ayoko dun sa room iingay don tangina kalat ngayon ung sa date nyo ni Zeke baliw ampota—"
"Date?" gulat na tanong ni Leo, maging ako rin ay nagtataka. "Anong date?" tanong ko rin. Taka man ay kinuha ni Vhon ang cp nya at pinakita sa akin ang post ni Zeke. "Yan oh ung pic nyo nung sabado, hibang mga babae e nagpost kase si Zeke before nyan na makikipagdate daw sya kinabukasan e pinost nya pic nyo kinabukasan" paliwanag nito. Gago agad akong tumayo at hinanap si Zeke. Halos lahat nga ay nakatingin na sa akin.
Ugh Zeke, so that's your plan? Napahinto ako sa paglalakad ng mabasa ko ang text nito sa akin.
From: Annoying Zeke
I now get it why you always go here at terrace.
Nagsend sya ng pic, picture ito ng rainbow. Dali dali akong umakyat sa terrace andito nga ito nakaupo. Sinara ang pinto at lumapit sakanya.
"Why did you post it?" tanong ko. Tumingin naman ito sakin na tila ba ay nagisip. "Oh, I just want some memory. Do you want me to delete it?" sambit nya. Hindi ko alam ang isasagot kaya umupo nalang rin ako malapit sakanya.
"You're giving them an idea" saad ko pagkaupo, bahagya itong ngumiti. "They can think whatever they want, I'm just happy cause I made an unforgettable memory with you." agad akong napatingin sa kanya pagkasabi nya nun. Seryoso syang nakatingin sa langit na may bahaghari.
"As long as okay sayo yon, wala akong pakialam sa iisipin nila." dugtong niya hindi ko naman maiwasang mapangiti sa pagiging romantiko nito.
Binaling ko na lamang ang tingin ko sa bahaghari. "I don't come here because of the rainbow, minsan lang naman yan magpakita. Pumupunta ko dito kase tahimik dito, eto rin pinaka least na pinupuntahan ng mga guard HAHA" pagpapaliwanag ko ukol sa text nya sa akin kanina.
"Ikaw ah, inaagawan mo nako pwesto dito"
Tumawa ito at tumingin sa akin. Iniwas ko ang mga tingin ko, hindi ko alam pero paramg nakakahiya tumingin sa kanya. Siguro dahil narin alam ko kung pano kami naging magkaibigan.
