Zeke's POV
Napasinghap na lamang ako ng makita ang friend request ko kay Jake na pending parin. Hanggang kelan kaya to magiging pending. Minessage ko si Lorie kaya nakita ko ang dati naming convo.
Lorie
What should I do?
Do your best.
I know, but how?
Ugh, pasalamat ka. Syempre
dapat hindi mo sya hahayaang maging
uncomfortable.I can't, kaya nga turuan moko.
Pag ayaw nya ung bagay na yon
iwasan mo. Wag karing touchy.
Wag karing gagawa ng bagay
without his consent.That's what I'm doing.
Whatever, just don't give up
yet.Yep, thanks Lorie.
Napangiti naman ako. Yep, malayo na narating ko, ayokong ngayon ako susuko. I'll be more patient Jake.
Lorie
Lorie I will go at the mall.
Whatever, just behave.
Dali dali na akong naligo at nagbihis. Ang challenging siguro nitong araw na to but I'll try my best to behave.
___________
Jake's POV
Nagtitingin tingin ako ngayon ng bagong handle dito sa favorite shop ko. Dito lang kase ako sakanila may tiwala, dahil matitibay ang mga kagamitan dito at pang matagalan. Pft, hindi po ako endorser.
"Oh Jake, mga bagong labas yan" wika sa akin ni Kuya Gerald. Ang salesman dito na kilala na rin ako. "Onga po eh, gaganda di ako makapili." tumawa naman ito. "Oh sya tawagin mo lang ako pag may tanong ka, dami costumer e" tinanguan ko naman ito at nagpatuloy sa paghahanap. Gaganda talaga, ano kayang magandang kulay, blue or white?
Tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko kung ano ito.
From: Unknown Number
I like the blue one.
Agad kong hinanap kung nandito si Zeke at nanlaki ang mata ng makita syang nakaupo sa gilid at kumaway pa nga ng makita ako. Lumapit ito sa akin. "Maganda yung blue para mas may dating"
saad nya. Tinignan ko yung hawak kong kulay blue, sabagay. Kinuha ko iyon at nilagay na sa basket ko."Bat ka pala nandito?" tanong ko.
"Napadaan lang" sagot nya at naghanap rin ng kung ano kaya hinayaan ko na lamang ito. Medyo sira na rin ang pedal kaya siguro ay kelangan ko na rin maghanap. Ginagawa ko nalang busy ang sarili ko dahil tuwing tinitignan ko ito at busy rin ito sa paghahanap. Anong hinahanap nya?
"Pft, naghahanap ako parts din ng motor ko, malay mo naman" napaubo na lamang ako, napansin nya atang kanina pako sumisilip sakanya. "Balak ko bumili ng bagong bike-"
"Kuya, pwede daw po paselfie kaibigan ko, kamukha mo po kase idol nya sa kpop" Isang grupo ng mga kababaihan ang lumapit sakanya. Tumingin naman sa akin si Zeke pero nagbusy busyhan ako. Pake ko ba kung magpapicture sila. Naghahanap lang ako pero nakikita ko sila sa peripheral vision ko. Isa isa silang nagpapic tapos isang group photo.
