Sixteen

2 1 5
                                    

JAKE'S POV

Tumingin ako sa avr ngumit si Maddi at Kiara lang ang nakita ko roon. I-text ko nalang kaya sya? Ts baka isipin nya ganun nako kadesperada sakanya. Walang gana na lamang akong naglalakad sa hallway papunta sa room namin. Naghintay ako kagabi ng text nya, pero kahit isa ay wala. Hindi nya na kaya ako papansinin? Ugh, sinabi ko nga palang tapusin na namin. Pano pag sineryoso nya yon? Tatakbo sana ako upang hanapin si Zeke nang dumating na ang prof kaya wala na akong magawa.

"Goodbye class" wika ni Sir, tumango naman kami lahat.

Lunch na.

Tumingin ako sa cp ko at wala paring kahit isang text mula sakanya.

"Woi, tara gimik mamayang gabi?" aya sa akin ni Mark.

"Pass, boring." si Leo na ang sumagot para sa akin. Nakita kong nagtaka si Mark pero hayaan na wala naman akong pake sakanya.

Tumayo ako at niligpit ang mga gamit ko at nagmadali na ring lumabas. Nakarating ako ng cafeteria at automatikong hinanap ng mga mata ko si Zeke ngunit si Kiara at Maddi lang ang nasa table.

Ah, baka sa avr sya kumakain. Pumunta ako sa avr at si Lorie ang naabutan ko don. Saglit kaming nagkatitigan ngunit lumabas lang sya mula roon ay nilagpasan ako na para bang hindi nya ako nakikita. Bumuntong hininga na lamang ako at muling sinilip ang loob ngunit wala talagang tao roon.

Tangina nasaan sya?

"Hinahanap mo si Zeke?" nagulat ako at sinundan pala ako ni Leo, tinanguan ko naman ito.

"Asa auditorium, may play daw ung dentistry e inaasikaso nya." nabuhayan ako ng pagasanang marinig ko iyon. Tinapik ko ang braso nya upang magpasalamat at syaka dumiretso na saq auditorium. Medyo nagiba ang ambiance dito, ewan ko. Hinanap ko si Zeke pero mga dentistry students lang ang nandito.

"Then adjust nalang ung schedule" agad akong nagtago nang marinig ko ang boses nya. Ewan ko ba, ayokong isipin nya na andito ako para magsorry sakanya. Muka naman akong desperado nun. Nagtago ako dito sa likod ng mga upuan.

"Sige, are we done here? I'm so hungry na bro" rinig kong wika ng kausap nya. Kaibigan nya ata ito sa council student. Si Zeke kase ay Vice President nang council student dito.

"Yep I guess" sagot ni Zeke.

"Yown, grabe kanina pako naiinggit kay Ace may taga hatid sakanya ng pagkain at tol grabe luto pa yon mismo ng gf nya" sambit ng kasama nya.

Kumunot ang noo ko nang marinig ang mahinang hagikgik ni Zeke.

"Swerte talaga yan si Ace sa bebe HAHA kumain ka na nga don, maghanap ka na rin ng bebe mong marunong magluto" pang aasar ni Ace.

"Oo naman, ikaw den maghanap ka na!" sigaw nung lalake bago tuluyang umalis. Nagsalubong nga ang kilay ko dahil tumawa lang si Zeke at dumiretso na sa stage.

Edi sana naghanap sya ng bebeng marunong magluto! Ano ako magaddjust sakanya?






"Ha? Chicken Curry?"

Nakakainis naman tong lalakeng to. Paulit ulit akala mo hindi narinig. Sinamaan ko sya ng tingin bago tumango.

"Nagpapaturo ka saken magluto ng chicken curry?" binatukan ko na ito. Paulit ulit sabing oo nga dahil wala naman akong alam sa pagluluto na yan.

"Bakit?-"

"Alam mo wag na, nakakagago ka" inis na saad ko sakanya. Nagpatuloy na lamang ako sa pagsesearch sa YouTube kung pano magluto ng chicken curry.

Everything He Never Told Me (JMNSDC #2)Where stories live. Discover now