Chapter 2: Vallasea

628 44 15
                                    

Kanina pa ako paikot-ikot sa silid kung saan ako nagising kanina. Hindi ako mapakali kaya naman ay minabuti ko nang maglakad at lumabas dito.

Isang pihit pa lang ng door knob ay alam ko nang na-lock ito. Kumunot ang noo ko at muling pinihit ito.

"Damn," mahinang bulalas ko at hinampas ito ng isang beses. "Hey! Alam kong nasa labas ka ng silid na ito. Please, open the door!" sigaw ko at muling hinampas ang pinto. "I'll behave. I won't say anything weird again. So, please, buksan mo na ito."

Well, I've learned my lesson.

Kanina, noong nasa loob pa iyong babae sa silid, alam kong nag-aalala ito sa kalagayan ko. The way she looked at me, alam kong nakahinga ito nang maayos noong makitang gising at nakatayo na ako. But when I asked her about Cordelia, mabilis na nagbago ang ekspresiyon nito. Muli itong nag-alala sa kalagayan ko at mabilis na lumabas sa silid na kinaroroonan ko ngayon. Sinubukan ko itong habulin ngunit huli na noong tuluyan na itong nakalabas sa silid.

Napabuntonghininga na lamang ako at lumayo na sa may pinto. Mukhang wala itong balak na pagbuksan ako. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at nagtungo na lamang muli sa kama ng silid. Naupo ako sa gilid nito at hinawi ang buhok sa balikat.

Napanguso na lamang ako at marahang tinampal ang kanang pisngi.

"This is just a dream," mahinang sambit ko at muling tinampal ang pisngi. "Wake up now, Raina. Hindi na ito nakakatuwa," dagdag ko pa at inis na ipinadyak ang paa.

What the hell is happening to me? Bakit ba nangyayari ito sa akin? Panaginip lang ito. Oo, panaginip lang ito. Damn it!

Muli akong tumayo at naglakad patungo sa isang lumang tokador at mabilis na naupo roon. Pinagmasdan ko ang sariling repleksiyon at pilit na inaalala kung saan ko ba nakita ang mukhang ito.

The face that I'm seeing right now, pamilyar sa akin ito. Hindi ko nga lang maalala kung saan ko ito nakita! Sa Manila ba? Sa probinsya namin? Sa opisina ng The Great Ferrer Empire? Saan ba? Imposible naman kasing sa States kasi puro foreigner ang kaibigan ko roon!

Napangiwi ako at marahang hinawakan ang kanang pisngi. "This is not my face. This is-"

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong mabilis na napatayo ako. Napalayo ako sa may tokador at mabilis na napakurap ng ilang beses. Now I remember this face! Oh my God!

"This face... ito iyong babaeng nakita ko noong nalulunod ako!" bulalas ko at muling hinawakan ang pisngi. Right. Ito iyong babaeng nakita ko sa tubig. Sigurado ako sa bagay na ito. Siya nga ito! What the hell? Paano ako napunta sa katawan niya?

Akmang kikilos na sana akong muli noong mabilis na natigilan sa kinatatayuan ko. Bumukas muli ang pinto ng silid at may pumasok doon. Napaayos ako nang pagkakatayo at pinagmasdang mabuti ang babae nakausap ko na kanina.

"Cordelia-"

"I'm not her-"

"Magtigil ka na, Cordelia!" sigaw nito na siyang ikinatigil ko sa pagsasalita. Palihim akong napangiwi at ikinuyom na lamang ang mga kamao. What's her deal? Ba't galit na naman ito sa akin? "Alam kong nahihirapan ka na! Alam naming lahat iyon pero Cordelia naman, hindi ito ang solusiyon!" aniya at nagsimula nang maglakad palapit sa akin. Hindi naman ako nakakilos sa kinatatayuan ko. "Alam mo ba ang kasalanang nagawa mo? Nagtangka kang magpakamatay, Cordelia! Alam mo ba ang kaparusahan sa ginawa mo?"

Napakurap-kurap ako sa narinig mula sa kanya. Wait... What? Ginawa iyon ng babaeng ito? Kaya ba nakita ko ang imahe niya sa tubig noong nalulunod ako? Iyon ba iyon?

"Cordelia, hindi solusiyon ang pagkitil ng sariling buhay para lang matapos lahat ng problemang kinakaharap mo ngayon. Maraming pang ibang paraan! Hindi iyong ganito!" sigaw niyang muli at mabilis na inalis ang luha sa mga mata. "Simula ngayong araw ay hindi ka na namin pahihintulutang lumabas sa pamamahay na ito. Mananatili ka rito hanggang sa pagsisihan mo ang lahat nang ginawa mo sa sarili mo!"

Realm of the EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon