Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung unahin ngayon. Hindi ko alam kung tama bang unahin kong ibalik si Cordelia sa katawan niya at iligtas ang realm na ito o umalis na lang sa palasyo at hanapin ang ama ko.
Lahat ng ginawa ko sa nagdaang mga araw bilang Cordelia ay nawalan na nang saysay! Ngayong alam ko na ang totoong nangyari sa kanya, isang malaking panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon. Dapat ay hindi na ako nagsayang ng panahong tulungan ito. Dapat ay itinuon ko na lamang sa paghahanap kay daddy noong nakaalis ako sa Atlantis!
It was a waste of time! Hindi ko lubos akalaing naloko niya ako! Ako at ang mga taong nasa paligid niya! I underestimated her. I know that she's powerful and smart, but I never thought that she will do this to me and trapped me inside her body!
"Damn it!" bulalas ko at mabilis na ikinumpas sa harapan ang hawak na espada. Nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa mapagod ako at napaupo na lamang sa sahig ng training room. Napatingala ako at mabilis na hinabol ang sariling paghinga. "I need to find my father now. Bago pa mas maging komplikado ang lahat, kailangang makaalis na ito sa Azinbar at bumalik kay mommy," mahinang turan ko sa sarili at inalis ang butil ng pawis sa noo.
Paniguradong hindi ako basta-bastang makakaalis sa katawan ni Cordelia. Kahit na nagagawa kong bumalik sa sariling katawan, tiyak kong pansamantala lamang iyon. She used an unknown magic to summon me here, and I'm pretty sure that only magic, a powerful and extreme one, can undo her spell. Ang tanong... anong klaseng mahika ang ginamit ni Cordelia sa sariling katawan niya?
"Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo noon, Cordelia, but this is too much." Napailing ako at marahang tumayo na. Akmang hahakbang na sana ako para lumabas ng silid noong makaramdam ako ng mahinang pagyanig ng silid na kinaroroonan Mabilis akong natigilan sa pagkilos at pinakiramdaman ang paligid.
An earthquake?
Kunot-noo akong nakatayo sa gitna ng training room at noong makarinig ako ng sunod-sunod na malakas na pagsabog, mabilis akong naging alerto. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng espadang hawak at hindi na nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali akong tumakbo palabas ng training room at tinahak ang daan patungo sa main gate ng palasyo.
"Cordelia!" Agad akong napabaling sa gawing ko at nakita ang tumatakbo ring si Dylan. Sa likuran ito ay si Jaycee at mukhang pareho lang ang destinasyong naming tatlo ngayon. "Where's the Seer?" tanong niya at sinabayan ako sa pagtakbo. "Hindi ba niya nakita ang mga ito? The royal palace is under attack!"
Napangiwi ako sa narinig mula kay Dylan. Mas dumiin ang pagkakahawak ko sa espada at itinuon sa daan ang buong atensiyon. "Paniguradong hindi ito nakita ni Scarlette," saad ko at mas binilisan ang pagtakbo. "Someone's blocking her ability. Alam kong napansin na iyon ng Seer simula noong tumapak ang mga paa niya sa lugar na ito."
"But she saw something earlier!" bulalas naman ni Jaycee sa likuran ko.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at napailing na lamang. "Hindi tayo maaaring umasa sa ability niya. Maaaring ma-manipulate ito ng kalaban at ikapahamak pa nating lahat. Dahil kung hindi niyo pa napapansin, ang lugar na ito ay napapalibutan ng kakaibang mahika," wika ko at bumagal na ang pagtakbo. Nakalabas na kami sa pasilyo ng gusali at ngayon ay tanaw na namin ang main gate ng royal palace. Mayamaya lang ay huminto na ako sa paghakbang ng mga paa at binalingan ang dalawang kasama. "Hindi pa natin alam kung sino ang tunay na kalaban. So please, don't trust anyone. Maging ako ay huwag niyong pagkatiwalaan," makahulugang wika ko sa dalawa.
"Cordelia-"
"You two know my real name, right? If you're both in doubt about me, just ask about it immediately," dagdag ko pa na siyang ikinataka na nila Dylan at Jaycee. I sighed. "I'm afraid that someone's here in the royal palace that can copy someone's identity."