Chapter 25: Ability

468 34 20
                                    

Nagmamadali akong nagbihis at umalis sa apartment ko. Dala-dala ang isang bag kung saan naroon ang mga personal na gamit pati na rin ang diary ni mommy, mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at nagsimula nang magmaneho patungo sa ospital kung saan naka-confine si mommy ngayon.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at mas binilisan pa ang pagpapatakbo sa sasakyan ko. Mayamaya lang ay tumunog muli ang cellphone ko kaya naman ay napatingin ako rito. It was Dhalia. Again. Humugot ako ng isang malalim na hininga at sinagot ang tawag nito. I set my phone to loudspeaker and continue driving. "Yes, Dhalia?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Raina! Finally!" bulalas nito sa kabilang linya. "Kanina pa ako tumatawag sa'yo! Where are you?"

"Nagmamaneho ako ngayon pabalik sa ospital, Dhalia. Why? May kailangan ka ba?" I carefully said to him as I maneuvered my car's wheel again. Pasimple akong tumingin sa maliit na monitor sa may harapan ko at nakitang malapit na ako sa ospital kung saan naka-confine si mommy. "I'll be there in ten minutes. May nangyari ba kay mommy?"

"She's awake again, Raina, and this time, ikaw ang hinahanap nito!" Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. Ako? Hinahanap nito? That's impossible! Ni hindi nga niya ako nakilala kanina!

Yes, kanina lang noong pumunta ako sa ospital at nalaman ang tungkol sa kalagayan niya! It was really confusing at first ngunit noong tiningnan ko ang current time and date ngayong araw, napagtanto ko kung gaano kabilis ang araw at oras sa loob ng Azinbar. I already read it on my mom's diary, and I didn't expect to experience it too! Halos mag-iisang buwan na yata ako sa Vallasea at noong bumalik ako sa sariling katawan, sa sariling mundo, isang oras lamang ang nawala sa akin! It feels like I was just sleeping and all the things that happened to me was a freaking dream!

But no, hindi panaginip ang mga iyon. I can still feel it. The pain... everything! I can still feel it at hinding-hindi ko iyon makakalimutan!

"Raina! Can you still hear me? Raina!" Napakurap ako noong marinig muli ang boses ni Dhalia. Humugot ako ng isang malalim na hininga at napatitig na lamang sa daan.

"Malapit na ako, Dhalia. Mamaya na tayo mag-usap. Bye," mabilis na saad ko at pinatay na ang tawag nito. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela ng sasakyan at noong mamataan ang ospital kung saan naka-confine ngayon si mommy, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dere-deretso lang ang pagmamaneho ko at mabilis na naghanap ng parking space. At noong makahanap na ako, dali-dali kong ipinarada ang sasakyan at agad na bumaba roon.

Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa makapasok na ako sa main building ng hospital. Sumakay ako sa may elevator at noong nasa tamang palapag na ako, agad akong bumaba mula roon at tahimik na tinahak ang daan patungo sa hospital room ni mommy. Agad ko namang natanaw si Dhalia 'di kalayuan kaya naman ay mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Dhalia," tawag ko sa pangalan niya noong makalapit na ako sa kanya. Bahagya naman itong yumukod sa akin at siya na mismo ang nagbukas ng pinto ng hospital room ng ina. Hindi na ako nagsalitang muli at pumasok na roon.

Agad kong nabungaran si mommy na gising at nakaupo sa kama niya. Nasa malayo ang tingin nito habang may doktor at dalawang nurse naman ang tumitingin sa kalagayan nito. Mayamaya ay natapos na ang mga ito at bumaling sa akin. Bahagyang natigilan pa ang mga ito sa presensiya ko ngunit nakabawi rin naman agad. Dahang-dahang naglakad ang doktor palapit sa kinatatayuan ko at bahagyang tumango sa akin.

"She's lucid again, Miss Raina. Hindi natin alam kung hanggang kailan ito kaya naman ay sulitin na natin ang pagkakataong ito," ani ng doktor habang na kay mommy ang buong atensiyon ko.

"So... she will recognize me?" mahinang tanong ko.

"Yes. May hindi lang ito maalala sa mga nakalipas na taon, but she will definitely recognize you, Miss Raina."

Realm of the EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon