"Raina? Are you okay?"
Napakurap ako at mabilis na napailing. Napahawak ako sa may sintido ko at mabilis na napahugot ng isang malalim na hininga. Umayos ako nang pagkatatayo at bumaling sa dalawa. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at umiling sa kanila. "Cordelia... she's awake," imporma ko sa kanila.
Nagkatinginan sila Scarlette at Jaycee. Segundo lang iyon at muling tiningnan ako.
"Anong sabi nito sa'yo?" Scarlette asked me.
"I need to stop it... Iyon ang tinuran niya sa akin," mahinang sagot ko at ipinilig ang ulo pakanan. I sighed and bit my lower lip again. "Sa dami nang nangyayari ngayon sa realm na ito, hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nito sa akin."
"Stop the war... or stop the one who harm her before," saad ni Jaycee na siyang ikinatigil ko. "Si Kallan lang naman ang nakausap mo sa mga kapatid nito, hindi ba?" Wala sa sarili akong napatango sa naging tanong ni Jaycee. "Possible kayang siya ang dahilan kung bakit at paano ito nahulog sa lawa?"
Napalunok ako at wala sa sariling napatitig sa puwesto kung saan nakatayo kanina si Kallan.
Kung siya talaga ang may kagagawan sa pagkahulog ni Cordelia sa lawa, paniguradong hindi na ito magsasayang pa ng oras para kausapin ako. He can hurt me again anytime he wants, but... he didn't do anything. Kinausap niya lang ako. Iyon lang. Maliban sa kakaibang mahikang nakabalot ngayon sa silid na ito, wala nang ibang kahina-hinalang ginawa ang kapatid ni Cordelia.
"Is she still awake? Makakausap ba natin ito?" tanong naman ni Scarlette sa akin.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. "Let's try," mariing saad ko at ipinikit ang mga mata. "Ask her anything," dagdag ko pa at nanatiling ipinikit ang mga mata.
"Cordelia-"
"Leave this realm, Seer." Natigilan ako noong marinig ang sariling boses. Hindi ako ang nagsambit ng mga katagang iyon! It was Cordelia! She's really awake right now! "Your kind ruined my life before. Hindi ako papayag na mangyari ulit iyon!"
"Ginawa lamang ng aking ina ang nararapat gawin noon, Cordelia," rinig kong wika ni Scarlette. "Being a Seer, to see someone else's fate, is a big responsibility. Responsibilidad naming ipaalam sa taong iyon ang kung anong nakita namin, lalo na kung ikakapahamak niya iyon."
"Dapat ay hinayaan na lamang niya ako noon! Dapat ay hindi na ako nabuhay pa! Dapat ay hindi na nahihirapan pa ngayon ang reyna dahil sa paggamit niya ng forbidden magic upang isalba ang kagaya ko!" My voice cracked. Gusto kong imulat ang mga mata ko ngunit mabilis kong pinigilan ang sarili ko. My heart is beating so damn hard that I can't even breath properly now!
I can feel it. The pain... the pain is too much for me. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ni Cordelia. Oh my God! All this time, she was thinking about it! Nasa isip nito na sana'y hindi na ito nabuhay pa! Na sana'y hinayaan na lamang itong mawala noong sanggol pa lamang siya!
Poor, Cordelia. She was suffering because of what happened to her and her mother, and no one knows about it!
"I don't want to be a weapon," seryosong saad ni Cordelia na siyang ikinatigil kong ulit. "Yes, I wanted to learn how to use magic. I thought it was fun to use it. Iyon lang. But now... ngayong alam ko na ang kung anong kaya kung gawin, I don't want it anymore! I don't want war! I don't want to use my magic for that reason!"
"Cordelia, you were destined to save this realm," kalmadong saad ni Jaycee. "Iyon ang nakita ng ina ni Scarlette. And that was the reason why she went here and talked to your parents. You were destined to fight and protect your home."
"No. I was destined to die!" Cordelia screamed. Now, she's mad. Ramdam na ramdam ko ngayon ang galit nito. "At dapat hindi na rin ako niligtas ni Raina! Dapat ay hindi na ito pumasok sa katawang ito!"