Chapter 30: Forbidden

422 28 5
                                    

Sa bawat paghakbang ng mga paa ko papalapit sa pintuan kung saan naroon ang kasalukuyang hari at reyna ng Vallasea ay siya namang pagkabog ng puso ko. Palakas nang palakas ito.

Hindi ko alam kung ako ba ang dahilan kung bakit ganito na lamang kalakas ang tibog ng puso ko o si Cordelia. She's still inside her body. Paniguradong alam nito kung sino ang makakaharap ko kapag tuluyan na akong makapasok sa silid na pinuntahan namin ng kapatid niya.

"Gusto kong samahan ka sa loob ng chamber nila ngunit alam kong mas nais mong makausap ang mga magulang natin nang mag-isa," ani Kallan at umatras na noong tuluyan na akong nasa tapat ng pintuan. "Go and talk to them, Cordelia." He slightly smiled at me. "And... welcome back," dagdag pa nito at tinalikuran na ako.

Nanatili naman akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng chamber ng mga magulang ni Cordelia habang nakatingin sa papalayong bulto ni Kallan.

Welcome back. Sa lahat ng taong nakasalamuha ko sa lugar na ito, itong si Kallan lamang ang nagsabi sa akin ng mga salitang iyon. Mukhang siya lamang ang matinong kapatid ni Cordelia.

Nagkibit-balikat na lamang ako at muling itinuon ang paningin sa may pintuan ng chamber. Wala sa sarili naman akong napatingin sa dalawang kawal na nakayukod at tahimik na nakatayo lang sa magkabilang gilid ng pinto ng chamber. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at napagdesisyunan nang ihakbang muli ang mga paa. At noong tuluyan na akong nakapasok sa chamber ng hari at reyna ng Vallasea, agad akong naging alerto noong makaramdam ng kakaibang enerhiya sa loob nito.

What the hell? Kunot-noo kong tiningnan ang kabuuan ng silid at noong mamataan ko ang mga magulang ni Cordelia, mabilis akong napaayos nang pagkakatayo. Maingat namang sumara ang pinto sa likod ko at noong tuluyang maisara na ito, muli kong itinuon ang atensiyon sa dalawang taong pakay ko sa lugar na ito.

Parehong prenteng nakaupo ang mga ito habang nakatingin din sa akin. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at nagsimulang inihakbang muli ang mga paa. Mabigat ang bawat paghakbang ko. Mas naging alerto rin ako sa paligid. I can't be wrong. Something's not right in this chamber! May kung anong enerhiya akong nararamdaman ngayon sa lugar na ito. It's not the dark energy that I felt among the members of Phantom. It's different and I don't know what the hell it is!

"What brought you here, Cordelia?" Sa tono pa lang ng boses ng hari ay natitiyak kong hindi nito nagustuhan ang pagpunta ko sa palasyo niya. Seryoso itong nakatingin sa akin samantalang tahimik naman ang asawa nito nakaupo sa tabi niya. Hindi ito nagsalita at matamang nakatingin lang din sa akin. "The last time we've talked, you told us to stay away from you. Maging ang mga kapatid mo ay pinagtabuyan mo noong nagtungo ang mga ito sa Atlantis para makita ka."

"I did that to them?" marahang tanong ko sa hari. "Ginawa ko iyon sa pamilya ko?"

"You never accepted us as your family, Cordelia," marahang saad naman ng reyna. "Ilang ulit mo itong ipinagmukha sa amin."

"Hindi ba ganoon din naman ang ginawa niyo sa akin?" malamig na tanong ko sa mga magulang ni Cordelia. "Kung sabagay, patay na pala ang turing niyo sa unang anak na isinilang niyo sa mundong ito."

"Cordelia!" Halos pasigaw na saad ng hari sa pangalan ko. Tumayo ito sa kinauupuan niya at mas lalong sumama ang tingin sa akin. Napalunok ako at mariing ikinyuyom ang mga kamao. "Alam mo kung bakit namin ginawa iyon!"

"News flash, Your Highness, I don't remember anything!" mariing wika ko na siyang ikinatigil nito. Gulat na napatitig na rin sa akin ang reyna. "Hindi ba nakarating sa inyo ang balitang iyon?"

"Balita?" mahinang tanong ng reyna. Nagtaas ako ng kilay sa kanila at napailing na lamang. "What do you mean you don't remember anything? May nangyari ba sa'yo habang nasa shelter mansion ka ni Carolina?"

Realm of the EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon