Hindi ko maalis ang paningin sa harapan ko. Tahimik kong pinagmasdan ang repleksiyon sa salamin at noong magsawa ako sa pagmumukha ni Cordelia, iyong suot na damit naman nito ang tinitigan ko.
Masyadong magarbo ang suot kong damit ngayon. May ilang damit ang inihanda para sa akin si Tanner at itong kulay lila na gown ang napili ko. Mas simple ang damit na ito kumpara sa kulay pula at itim na gown na tiyak kong aangat talaga kung nasa kumpulan na ako ng mga bisita mamaya.
Bago ko ito sinuot kanina, nagdalawang-isip pa ako kung tutuloy pa ba ako sa pagtitipon. Sa hindi ko malamang dahilan, I suddenly felt uncomfortable. May kung anong pumipigil sa akin na huwag nang ituloy ang naunang plano ko. Is it because of the images I saw inside my head? Malamang sa malamang. Masyadong disturbing ang mga ito at hindi ko pa nalalaman hanggang ngayon kung anong ang connection ng bawat imaheng nakita ko sa nangyari kay Cordelia.
"Sa dami nang nangyari sa akin simula noong napunta ako sa katawang ito, ngayon pa ba ako aatras?" mahinang usal ko at inayos ang mahabang buhok ni Cordelia. "We're hitting two birds at the same time now, Cordelia. Nandito ako para makausap ang miyembro ng Tyrants at para na rin makakuha pa ng impormasyon tungkol sa nangyari sa'yo. Malakas ang pakiramdam ko, Cordelia. May kung anong matutuklasan ako kapag nasa headquarters na tayo ng Phoenix."
Humugot ako ng isang malalim na hininga at sa huling pagkakataon, muli kong tiningnan ang repleksiyon sa salamin. Mayamaya lang ay napagdesisyonan ko nang lumabas sa silid. Maingat kong inihakbang ang mga paa at noong binuksan ko na ang nakasarang pinto sa harapan ko, agad na bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Dylan. Bahagya pa akong nagulat kaya naman ay wala sa sarili akong napahakbang ng isang beses paatras.
Kunot-noong nakatitig lang sa akin si Dylan. Hindi ito nagsalita at matamang nakatitig lang sa akin.
"Uhm, hinihintay mo ako?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.
Tahimik na ipinilig ni Dylan ang ulo pakanan habang matamang nakatitig pa rin sa akin. "Sino ang kausap mo sa loob?" tanong nito na siyang ikinatulos ko sa kinatatayuan. Damn it! He heard me talking to myself!
Wala sa sarili akong napangiwi at hilaw na natawa na lamang. Mabilis akong umiling sa kaharap at umayos na lamang nang pagkakatayo. "I... was just talking to myself," saad ko at muling natawa. Palihim kong kinurot ang mga daliri sa kamay at nagsimula nang kumilos muli. Kailangan kong makalayo sa lalaking ito! Paniguradong hindi ako titigilan ni Dylan hangga't hindi niya nakukuha ang sagot na gustong marinig mula sa akin! "Let's go, Dylan! Magtungo na tayo sa pagtitipon," mabilis na turan ko sa kanya at nilagpasan na ito.
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at hindi na ito nilingon pa. Maymaya lang ay naramdaman ko ang pagkilos nito at sinundan na ako. Wala sa sariling napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at pinagsawalang-bahala ang matamang titig ni Dylan sa akin.
Relax, Raina. Alam kong matalino itong si Dylan ngunit hindi naman siguro nito maiisip ang tungkol sa sitwasyon ni Cordelia, right? He just heard me talking to myself... which was definitely one of the truths among my lies! Iyon din naman ang naging alibi ko kaya naman paniguradong magiging weird lang ako sa paningin ng lalaking iyon!
Napahugot na lamang muli ako ng isang malalim na hininga at palihim na binalingan si Dylan. Ngunit noong magtagpong muli ang mga mata namin, mabilis akong napaiwas nang tingin sa kanya. Damn it! He's not buying my alibi! Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha nito na hindi ito naniniwala sa mga salitang binitawan ko kanina sa kanya! Napirmi na lamang ako sa kinatatayuan at naghintay sa susunod na gagawin nito.
I was busy playing the tip of Cordelia's hair, just to hide my uneasiness right now, when Dylan finally speak. "Let's go, Lia. Kanina pa naghihintay ang karwaheng magdadala sa atin sa Phoenix," anito na siyang marahang ikinatango ko na lamang. Nagsimulang maglakad muli si Dylan at nauna nang lumabas sa bahay ni Tanner.